26.5 C
Manila
Biyernes, Hulyo 24, 2026

VP Sara lumagda sa libro ng pakikiramay sa pagpanaw ni Sheikh Hamad Bin Khalifa Al Thani

- Advertisement -
- Advertisement -

BUMISITA at nakiramay si Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng paglagda sa libro ng pakikiramay sa Father Amir ng State of Qatar na si His Excellency Sheikh Hamad Bin Khalifa Al Thani sa Embassy ng State of Qatar sa Makati City.

Narito ang kanyang pahayag.

“Personal nating binisita noong nakaraang linggo ang Embahada ng Qatar sa Pilipinas sa Makati City upang ipaabot ang ating taos-pusong pakikiramay sa House of Thani at sa bawat mamamayan ng Qatar kasunod ng pagpanaw ni His Highness Sheikh Hamad Bin Khalifa Al Thani, ang Father Amir ng bansa.

“Si His Highness Sheikh Hamad Bin Khalifa Al Thani ay nagsilbing Amir ng Qatar mula 1995 hanggang 2013 at kinikilalang lider na naging susi sa pagbabago ng kanilang bansa tungo sa pagiging isang moderno at maimpluwensyang bansa sa buong mundo.

“Ipinaabot ko rin ang mensahe ng pakikiramay ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.”

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -