26 C
Manila
Martes, Oktubre 8, 2024

BBM-Sara UniTeam pinakilos ang volunteers para magpakalat ng mga gamot at facemask sa mga ospital sa NCR

- Advertisement -
- Advertisement -

KASUNOD ng patuloy na banta ng Omicron variant ng Covid19 at pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 3, agad pinakilos ng BBM-Sara UniTeam ang kanilang mga volunteers para mamigay ng mga gamot at facemask sa mga ospital sa NCR.

Nitong Martes, agad ipinag-utos ng tambalan nila presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte ang pag-iimbentartyo ng kanilang supply ng gamot at facemask sa kanilang national headquarters para agad maipakalat sa mga ospital.

“Napaghandaan na natin ang ganitong sitwasyon o ang posibleng pagtaas muli ng kaso sa Covid19, kaya may imbak pa rin tayo ng mga facemask at mga gamot galing sa ating mga taga-suporta,” ayon sa pahayag ng BBM-Sara UniTeam.

Pinasisiguro naman ng BBM-Sara UniTeam na dapat ay prayoridad ang mga frontliner na mabibigyan ng proteksyon dahil importante na maayos ang kanilang kalagayan para masigurong ligtas ang lahat.

Giit pa ng UniTeam ito na rin ang ginawa nila noong bago pa pumasok ang pandemya noong 2020 kaya nakakasa na ang kanilang volunteers at alam na ang kanilang mga gagawin katulad ngayon na may panibagong banta sa pagtaas ng kaso sa corona virus.

Inilagay ang Metro Manila sa mas istriktong Alert Level 3 simula Enero 3 hanggang 15 dahil sa kapansin-pansing muling pagtaas ng kaso ng Covid19 at matapos ding may makumpirmang tatlong kaso ng Omicron variant sa bansa

Kasabay nito, pinaalalahanan na rin ng BBM-Sara UniTeam ang publiko na patuloy pa ring sumunod sa mga health protocol at panatilihin pa rin ang pag-iingat sa corona virus.

Nanawagan din ang UniTeam na patuloy pang palakasin ang pagbabakuna sa publiko dahil ito pa rin ang pinakamabisang sandata laban sa Covid19.

“Bakuna pa rin ang pinakamabisang sandata, kaya tayo ay nananawagan na magpabakuna na ang lahat ng mga hindi pa nababakunahan,” ayon sa UniTeam.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -