26.4 C
Manila
Huwebes, Disyembre 5, 2024

Gawang-pinoy na gamot kontra Covid suportado ng BBM-Sara UniTeam

- Advertisement -
- Advertisement -

Suportado ng BBM-Sara UniTeam ang inisyatibo ng pamahalaan at pribadong sektor para sa lokal na produksyon ng Molnupiravir, isang gamot para Covid19.

Naniniwala si Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at ang kanyang running-mate na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte na  malaki ang maitutulong ng gamot na ito upang makarekober agad ang bansa sa mga biglaang pagsirit ng kaso ng Covid19.

Dagdag pa nila na makakabuti rin ito sa pangmatagalang laban ng bansa kontra Covid-19 dahil mapapababa ang presyo nito at mas maraming mga Pilipino ang makakabili sa katagalan.

“We fully support this kind of initiative, and we intend to expand it so that more of our people can avail of this life-saving medicine.  We also need to allow our local pharmaceutical industry to increase its manufacturing capacity to make Covid-19 treatments widely available and more affordable,” ayon sa UniTeam.

Kamakailan ay inanunsyo ng Philippine Board of Investments na inaprubahan nito ang aplikasyon ng isang lokal na pharmaceutical company na gumawa ng Molnupiravir sa bansa matapos makakuha ng isang technology transfer agreement sa isang ring pharmaceutical company mula sa India.

Inaasahan na sa buwan na ito magsisimula ang produksyon ng nasabing gamot sa isang pasilidad sa Bulacan kung saan may inisyal na target isang milyong kapsula ang gagawin.

Ang gawang Pilipinas na Molnupiravir ay may Suggested Retail Price (SRP) na P65 kada tableta.  Higit na mas mura kaysa sa imported na bersyon ng nasabing gamot na mabibili sa halagang P100 hanggang P150 kada tableta.

“Our battle against Covid19 will be for the long haul. The BBM-Sara UniTeam is fully committed to ensuring that all Filipinos get the best possible care in this pandemic,” saad pa ng UniTeam.

“Aside from pushing for reforms and better policies in the healthcare sector, we are also keen on initiatives that have immediate benefit to our people’s health and well-being,” dagdag pa ng BBM-Sara UniTeam.

Ayon sa isang Phase 3 clinical trial na isinagawa sa India, ang Molnupiravir ay nakakapagpababa ng viral load ng mga pasyenteng at mabilis ring nakapagtatala ng negatibong resulta sa kanilang mga RT-PCR tests.

“As home isolations and home quarantines become the norm, those with mild symptoms will need therapy like Molnupiravir.  The resulting increase in our manufacturing capacity and capability will also enable us to produce future Covid-19 treatments faster when they become available,” diin pa ng UniTeam.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -