30.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 6, 2024

BBM ang makapagpapatuloy ng magandang nasimulan ng aking ama – Baste

- Advertisement -
- Advertisement -

BUO ang tiwala ni Davao City Vice Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte sa kakayahan ni Partido Federal ng Pilipinas presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. bilang susunod na pangulo ng Pilipinas.

Sa katatapos lang na Kudaraten Festival 2022 noong Sabado, January 29, humalili si Baste para sa kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte at kanyang buong tapang na inihayag ang kanyang suporta para sa tambalang BBM-SARA UniTeam.

Para kay Baste, si Bongbong lang ang tanging tumatakbo sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon sa Mayo ang may kakayahang ituloy ang magandang nasimulan ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Kaya nga si Mayor Inday ang gusto niyang presidente si Bongbong Marcos because Bongbong Marcos is the only way forward to continue this narrative,” paliwanag ni Baste.

Dagdag pa ni Baste, malaki ang tiwala niya kay Bongbong at sa nasimulan ng dating pangulo na si Ferdinand Marcos, Sr. na napabayaan lang ng mga nakaraang administrasyon. Naniniwala si Baste na maitutuloy ni Bongbong ang magandang nasimulan ng ama na si PRRD para sa mas progresibong bansa.

“Ito kwento lang ‘to pero malaki talaga ang tiwala ko, tiwala talaga ako dyan because we can see remnants of the Marcos administration before, hindi lang natuloy. We all know that, kita nating lahat, if you want consistency  na katulad nung ginawa ni PRRD, then I cannot see any other candidate kundi si Bongbong Marcos lang talaga,” sabi ni Baste.

Tulad ng kanyang ama na si PRRD, may magandang vision si Marcos sa bansa at naniniwala siya na ginagawa niya ito hindi para sa personal na interes at sa iisang tao lang kundi para sa ikabubuti ng bawat Pilipino.

“Ambitious, but not for the individual, it is for the collective good of the country, iyon man talaga nakita natin,” ayon sa anak ng Pangulo.

Nagpapasalamat din si Baste sa mga residente at mga local government unit officials ng Sultan Kudarat sa mainit na pagtanggap sa kanya at lalong-lalo na sa kanilang suporta sa pamumuno ng ama at maging sa tambalang BBM-Sara UniTeam.

“Maraming salamat for the warm welcome and for accepting my sister. Marami ding salamat sa pagtanggap ninyo sa aming pamilya dito. I’m very thankful sa inyo, sa inyong pinakita na suporta lalo na sa dinala na presidente ng aking kapatid,  si Bongbong Marcos. Sa inyong pinakita na suporta maraming salamat,” bilang pangwakas na pahayag ng nakababatang Duterte.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -