30.8 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

UniTeam inindorso ng TUCP

- Advertisement -
- Advertisement -

ININDORSO ng pinakamalaking labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at ang running-mate na si vice-presidential bet Inday Sara Duterte para sa nalalapit na May 9, 2022 national elections.

Ayon kay TUCP spokesperson Alan Tanjusay, mismong boses ng mayorya mula sa 1.2 million-strong members ng kanilang samahan ang nagpahayag ng kagustuhang suportahan ang BBM-Sara UniTeam sa nakalipas na consultation meetings nila sa buong bansa.

“The vote advantage of Mr. Marcos and Ms. Duterte-Carpio and with those four other pair of presidential and vice-presidential aspirants was very wide. It was an overwhelmingly majority decision in all caucuses held differently in Luzon, Visayas and Mindanao,” ani Tanjusay.

Idinagdag ni Tanjusay na dinaig ng tambalang Bongbong-Sara ang tiket ng ibang katunggali tulad nina Robredo-Pangilinan, Moreno-Ong, Lacson-Sotto, at Pacquiao-Atienza.

Sinabi ni TUCP President Raymond Mendoza na ang pormal na anunsiyo ay ihahayag nila sa mga susunod na araw.

Ang TUCP ay itinatag noong taong 1975 at may 23 itong labor federations.

Karamihan sa kanilang miyembro ay mula sa malalaking industriya katulad ng service, agrikultura at manufacturing sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Isa sa isinusulong na programa na Covid19 pandemic recovery plan ng UniTeam ang pagbuhay sa sektor ng agrikultura at ang pagpapatuloy sa Build, Build, Build infrastructure program ng Pangulong Duterte. Ilan ito sa nakikita nilang daan upang makapagbigay ng hanapbuhay sa mga kababayan at ang pagbangon ng nadiskaril na ekonomya.

Patuloy ang ginagawang panawagan ng BBM-Sara UniTeam para sa pagkakaisa na susi rin anila para sa pag-unlad ng bansa.

Sinabi ni Marcos na ang panawagan niyang pagkakaisa ay lumalakas na ngayon. Katunayan, isa na itong samahan na kung tawagin ay “Kilusan ng Pagkakaisa.”

Ang panawagan ni Marcos sa lahat ng Pilipino para makiisa sa mithiing ito ay patuloy na nakakakuha ng maigting na suporta sa taumbayan na pinapatunayan ng tuloy-tuloy na pag-arangkada ng kanilang tandem ni Mayor Sara sa lahat ng pre-election survey, kung saan milya-milya ang kanilang tinatamong lamang kumpara sa numero ng ibang mga kandidatong pagka-pangulo at pagka-bise presidente.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -