26.2 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

EDSA 1986 hindi rebolusyon, isa lang political event – Prof. Carlos

- Advertisement -
- Advertisement -

IPINALIWANAG ni University of the Philippines Prof. Clarita Carlos na hindi tunay na rebolusyon ang tinawag na Edsa People Power noong 1986 kundi isa lamang political event.

“That so-called EDSA Revolution is only an incident, it’s an event. Let’s talk about revolution, the revolution which Lenin did in Russia is a revolution because pinatay mo lahat ang czar. Yung kaniyang authoritarian regime pinalitan mo ng supposed rule of the proletariat, according to the Marxist philosophy,” ani Carlos sa paunang pahayag nang kapanayamin ng SMNI broadcaster na si Peter Serrano.

Bilang isang ‘scholar,’ sinabi ni Carlos na mahalagang matukoy ang pinagkaiba ng isang pangyayari.

“You have to use the proper word to define a particular incident or event.”

“The moment you label it, and you label it strongly, then people will have expectation. Ginamit mo ‘yung word na revolution eh, after 1986 they were looking for change, why they didn’t see any change? Because the structures were the same,” ani Carlos, isang professor ng Political Science sa University of the Philippines.

Ipinaliwanag ni Carlos na ang ginawa lamang ng mga dating oposisyon ay binago ang 1973 Philippine Constitution at ginawa itong 1987 Constitution.

Wala aniya itong nakamit na malaki para sa bayan maliban sa naging isang “anti-Marcos Constitution.“

“The 1987 Constitution should go kasi punong-puno siya ng tanikala na mismong tayong gago ang nagtali sa sarili natin. Time should change, how long ago is 1987? You do your arithmetic, malayo na ‘di ba?” wika pa niya.

Ayon kay Carlos, hindi rin dapat tumutok lamang sa isyu ng pandemya ang pamahalaan kundi mahalaga na hanggang ngayon ay pag-usapan na rin ang Charter Change.

“Por Diyos por santo parang 15 draft na ang nakita ko nyan, nagsawa na ako sa kakakontra sa mga committee hearings na ‘yan. Ilagay mo s’ya sa May 9, 2022 … isingit mo siya sa balota,” sabi pa ng respetadong professor.

Dagdag ni Carlos, pabor siya sa ‘federal form of government,’ ngunit dapat ding silipin ang ilang bagay na maaaring magamit mula naman sa kabutihang dulot ng ‘unitary system.’

“And these are not cute stories, these are numbers. You want to contest those numbers? Give counter data. Otherwise you shut up,” sabat pa niya.

Kung matatandaan, isa si Carlos sa mga panelist ng SMNI Presidential Debate 2022 na ginanap sa Okada Hotel noong Pebrero 15.

Apat na presidential candidates ang hindi dumalo sa naturang debate. Maraming political analysts ang nagpahayag na isa sa dahilan kaya hindi sumipot sa SMNI Presidential Debate ang apat na presidentiables dahil takot ang ilan sa kanila na makaharap bilang panelist si Carlos na kilala sa pagiging matalino, matalim at malalim na professor.

Naging matagumpay ang naturang debate kung saan ay umabot sa milyon ang viewers sa social media. Tumatak din dito ang kakaibang galing at tapang na magtanong ni Carlos.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -