33.6 C
Manila
Biyernes, Mayo 9, 2025

Kasinungalingang ‘Isko-Sara’ tinuldukan ni Duterte

- Advertisement -
- Advertisement -

Mariing tinuldukan ni vice presidential candidate Inday Sara Duterte ang ipinapakalat na kasinungalingang “Isko-Sara tandem” matapos syang magpahayag muli ng kanyang katapatan sa kanilang tambalan ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa isang Facebook post habang namamahinga pansamantala si Sara kasama ang kanyang ka-tandem na si Bongbong sa kanilang UniTeam Bacolod/Negros Occidental campaign sortie noong Huwebes, ipinahayag niya: “Bongbong Marcos and Sara Duterte will always be one team.”

Hindi pa nagkasya ang vice presidential bet at nagpalabas ng isang press statement kung saan sinasabi niya: “We stand firm in unity along with the entire senatorial slate of the UniTeam.”

“We stand undivided and shall remain strong despite the proclamation of other tandems that single out either Marcos or Duterte as a candidate,” pagdedeklara pa ni Sara.

Kamakailan ay marami ang nakapansin sa ipinapakalat na mga tarpaulin na may intensyong mang-huwad at pinapaniwala ang mga makakakita na may Isko-Sara tandem. Bukod dito, ang presidential candidate na si Isko Moreno mismo ay namataang nangangampanya lulan ng isang sasakyan na may sticker na nagsasabing “Isko-Sara.”

Samantala, si Dr. Willie Ong na vice presidential partner ni Moreno ay nagpahayag ng kanyang saloobin ukol sa umano’y panglalaglag sa kanya ng Manila mayor.

“Syempre na-hurt ako ‘di ba? Masakit ‘yun,” pahayag ni Ong sa isang panayam ng media.

Samantala, sinabi ni Sara na naniniwala syang ang BBM-Sara tandem ang “duo to beat” ayon na din sa ipinapakita ng lahat ng mga survey, katulad na lamang ng pinakahuling mega-survey ng Laylo Research kung saan nakatamo sila ng naglalakihang mga numero kumpara sa mga katunggali.

“An affirmation of the Marcos-Duterte UniTeam is the Jan 10-26 survey with a sample size of 15,450 lifted from the Laylo Report that shows BBM taking 64 percent share and Sara taking 60 percent of the respondents,” pahayag ni Duterte.

“Our good showing in the surveys, however, would not lull us into complacency. Instead, we will be relentless in our efforts to reach more and more Filipinos in the coming days — with the message of unity that we believe is of utmost importance to achieve what we have been dreaming for the Filipinos and our great country,” dagdag pa niya.

Ipinagpasalamat din ng vice presidential candidate ang pagbuhos ng suporta para sa BBM-Sara sa iba’t ibang dako ng bansa kung saan dinudumog ng hindi mahulugang karayom sa dami ng mga tao ang mga UniTeam caravan at rally.

“We wish to extend our heartfelt gratitude to all the political parties, volunteer groups, supporters, and ordinary citizens who showed up and joined us in the proclamation rallies and other activities that the UniTeam conducted in various parts of the country,” aniya.

“The outpouring of support from our fellow Filipinos who braved the rains and the scorching heat to welcome and greet us has been a source of joy, inspiration, and more strength for us,” pahayag pa ng vice presidential bet.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -