30.4 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

MOA pinawalang bisa ng Comelec dahil sa masamang record ng Rappler

- Advertisement -
- Advertisement -

GAMIT ang petisyon na isinampa ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema, ipinahinto ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes ang kanilang Memorandum of Agreement (MOA) sa online news website na Rappler.

Sa isang memorandum na inisyu kay Comelec spokesman James Jimenez, binanggit ni acting Chairperson Socorro Inting ang mga isyu na inilabas ng OSG laban sa Rappler kaya niya ipinag-utos na ipatigil ang kasunduan.

“Given the allegations against Rappler and the subsequent filing of the Petition with the Supreme Court, it is judicious for the Commission to hold in abeyance the implementation of the provisions of the MOA until the issues are settled and/or a decision of the court is rendered,” ayon kay Inting.

“All actions in connection with the MOA shall be deferred, including coordination between the Commission and Rappler on matters of the MOA,” idinagdag pa sa memorandum.

Matatandaang usap-usapan sa social media at mariing binatikos ng publiko ang MOA dahil na rin sa mabantot na record ng Rappler bilang isang biased na online outfit na pinopondahan ng mga dayuhang grupo.

Matapos malagdaan ang MOA, agad nagpadala ng advisory at pagtutol si Solicitor General Jose Calida sa Comelec nitong Pebrero 28 na humihiling “to unilaterally rescind the MOA, citing, among others, the undue delegation to Rappler of Comelec’s authority.”

Binanggit din ni Calida ang paglabag ng Rappler sa batas at Konstitusyon at ang mga record nito nang pagbabalita ng “fake news” at “biased information.”

Sinabi ni Calida na ang MOA ay magbibigay sa Rappler ng access sa mga confidential na detalye sa mga botante at posibleng kapangyarihan na makapag-impluwensiya sa resulta ng eleksyon alinsunod sa kagustuhan ng kanilang foreign principal.

“The MOA’s provisions are also problematic for encroaching the Comelec’s power and rights. Rappler’s history of disseminating unverified and sometimes, false claims also render it unfit for fundamental purpose envisioned under the MOA,” ani Calida.

Una rito, binatikos din ng mga retiradong opisyal ng AFP at PNP, Philippine Coast Guard, dating government officials, empleyado at mga rebel returnees ang naturang MOA ng Comelec at Rappler sa isang “Manifesto for Unity, Peaceful and Honest Elections.”

Binanggit ng grupo na ang kasunduan sa pagitan ng Comelec at Rappler ay banta sa kredibilidad at integridad ng halalan at posibleng malagay sa alanganin ang resulta nito.

Kwestiyonable rin umano ang kredibilidad ng halalan kung matutuloy ang naturang kasunduan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -