28.4 C
Manila
Martes, Hulyo 1, 2025

PCUP nangakong susuportahan ang Buhay at Bahay Program

- Advertisement -
- Advertisement -

Quezon City- Nangako ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa pangunguna ni Undersecretary Elpidio Jordan Jr., na susuportahan ang Buhay at Bahay Caravan ni QC 2nd District Councilor Mikey Belmonte, chairman ng Committee on Urban Poor and Human Settlement sa isang Memorandum of Understanding signing na ginanap sa Commonwealth High School noong Marso 17, 2023.

Alinsunod sa agenda ni Pangulong Bongbong Marcos na iangat ang buhay ng maralitang sektor, ang programa ay naglalayon na makabuo ng mga agaran at pangmatagalang mga programa at proyekto mula sa nasyonal at internasyonal na mga partners na maaaring umakma at magpapalakas sa mga interbensyon ng QC LGU upang maibsan ang kahirapan.

Ang ceremonial signing na ito ay kasunod rin sa pagsisikap ng PCUP na mas mapatibay ang ugnayan sa mga LGU at pribadong sektor.

Whole-of-Government Approach

Ang Buhay at Bahay: Housing and Improved Community Service Caravan para sa Quezon City ay nagtatampok ng 2-araw na pagsasanib pwersa ng mga programa ng pamahalaan na naka-angkop sa pangangailangan ng mga tao sa komunidad.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Konsehal Belmonte ang kahalagahan ng pagtugon sa kahirapan gamit ang adaptive na mga programa.

“Ang kahirapan ay multi-dimensyonal kung-kaya’t ang mga programa natin ay dapat kayang tugunan ang lahat ng manipestasyon nito. Hindi masusugpo ang kahirapan kung kanya-kanya ang mga ahensya.” pagpapatuloy ni Councilor Belmonte.

Samantala, binigyang-diin ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto ang kahalagahan ng pagbuo ng partnership at relasyon sa pagitan ng mga maralitang tagalungsod at ng pambansang pamahalaan.

“Malaking bagay ang caravan na ito para sa mga urban poor. Ang goal natin ay bumuo ng relasyon sa lahat ng mga komunidad at partners natin para mapaunlad ang buhay ng ating mga kababayan. Maraming magagawa kung magtutulungan at idadaan sa maayos na usapan.” pagtatapos ni Vice Mayor Sotto.

Paghahatid ng maayos na serbisyo sa maralita

Bilang bahagi ng Buhay at Bahay: Urban Poor and Human Settlement Caravan, inilagay din ng PCUP ang information booth nito kasama ang iba pang ahensya ng pambansang pamahalaan at pribadong sektor upang tugunan ang mga isyu at alalahanin ng mga urban poor at urban poor organizations mula sa distrito.

Isinulong din ng komisyon ang apat (4) na PCUP Banner Programs: ang Piso ko, Bahay Mo; Lingkod Agapay Maralita Program; Mga Tanggapan ng PCUP Satellite; at ang PCUP Goodwill Ambassadors Program.

Maliban dito, kabilang sa mga partner na dumalo ay ang Meralco, Maynilad, PLDT, PLDT-SMART, Metro Pacific Investments, One Meralco Foundation, Microsoft, SMART, SHFC, DHSUD, at PAG-IBIG Fund.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -