30.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 6, 2024

Tulong sa pamilyang naapektuhan ng sunog, tiniyak ng DSWD chief

NAKIPAGPULONG si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian noong Biyernes (Setyembre 1) sa pamilya na ang tatlong namatay sa sunog na tumupok sa isang garments shop sa Tandang Sora, Quezon City.

Si DSWD Secretary Rex Gatchalian (gitna) kasama ang pamilya ng tatlong namatay sa sunog na tumupok sa isang garments shop sa Tandang Sora, Quezon City at Rizal Mayor Sonny Pablo. Larawan mula sa DSWD

Ipinaabot ni Gatchalian ang personal na tulong pinansyal sa pamilya at tiniyak sa kanila na makakaasa rin sila ng karagdagang tulong mula sa DSWD habang dumaraan sila sa mahirap na panahong ito.

Nagmula sa Rizal, Mindoro Occidental ang pamilya ng mga biktima at kasama si Rizal Mayor Sonny Pablo sa kanilang pagbisita sa tanggapan ng DSWD Central sa Quezon City.

Sa pagpupulong, napag-usapan nina Gatchalian at Pablo ang mga paraan kung paano higit na matutulungan ang pamilyang naulila.

Matatandaang nasunog ang bahay na ginawang garment shop na pinagtatrabahuhan ng tatlong biktima. Ang gusali ay pag-aari ni Michael Cavilte na kabilang din sa 15 katao na namatay kasama ang kanyang asawa at tatlong-taong gulang na anak noong madaling araw ng Agosto 31.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nakatanggap sila ng tawag dakong alas-5:30 ng umaga tungkol sa patuloy na sunog sa dalawang palapag na gusali sa Barangay Tandang Sora. Umabot ito sa unang alarma alas-5:44 ng umaga.

 

 

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -