PINANGUNAHAN ng Bureau of Treasury Region IVA ang paglulunsad ng Retail Onshore Dollar Bonds (RDB2) 2nd Issuance sa lalawigan ng Batangas kamakailan.
Ang RDB2 ay bahagi ng savings mobilization program ng national government na naglalayong maging abot-kaya ang government securities at maging accessible ang mga ito para sa mga retail investors at individuals.
Layon nitong makalikom ng pondo para sa mga priority projects ng pamahalaan at maisulong ang financial literacy at inclusivity sa mga Pilipino.
Tinalakay dito ang magiging benepisyo ng RDB2 sa mga investors kabilang ang mababang panganib sa pamumuhunan, mas mataas na kita kumpara sa ibang US dollar term deposit instruments, abot-kayang minimum placement na $200.00 at tax assumption feature.
Maaaring makuha ito sa pamamagitan ng online channels and apps at over- the- counter transactions sa iba’t ibang branches ng Sellling Agent Banks sa bansa.
Mabibili ang RDB2 sa public offer period nito mula September 27 hanggang October 6 at pagkatapos ng nabanggit na petsa, makaka-avail ng RDB2 sa mga secondary markets at sa halagang umiiral sa merkado at forex rates.
Ang launching ay pinangunahan nina Bureau of the Treasury Director, Naneth Diaz, OIC-Reg. IV A Director Atty. Dennis Madrigal, Batangas Provincial Head Ma. Concepcion Atienza, Development Bank of the Philippines Manager Jude Calamba, Metro Investment Corporation, Vice President Martin Marty.
Nanawagan si Diaz na mag-invest sa RDB2 dahil ito aniya ay isang siguradong investment kung saan maaaring kumita ng mataas sa pamamagitan ng iba’t ibang channels.
Ang paglulunsad ay dinaluhan ng mga dollar- earning individuals, mga opisyal ng iba’t ibang bangko, kinatawan ng kooperatiba at ilang konsernadong ahensya. (BPDC, PIA BATANGAS)