LUMIKHA ang ekonomiya ng 201 libong trabaho noong Agosto 2022-Agosto 2023, mas mataas kaysa sa nawalang 2.76 milyong trabaho noong Hulyo 2022-Hulyo 2023 ngunit mas mababa kumpara noong Hunyo 2022-Hunyo 2023 na kung saan tumaas ang nalikhang trabaho nang 2.25 milyon. Magkahalong epekto ito ng pagdausdos ng exports of goods at ang pagtaas ng mga lumuluwas na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa labas ng bansa na tinatayang aabot sa 2 milyon ngayong 2023.
Bumaba ang exports of goods ng 6.6 porsiyento dahil sa paghina ng demand ng mga trading partners ng bansa, mula $51.2 bilyon noong unang walong buwan ng 2022 sa $47.8 bilyon noong unang walong buwan ng 2023. Ang pinakamalaking pagbagsak ay naranasan ng fruits and vegetables na dumausdos nang 14.5 porsiyento, electronics na bumaba nang 6.8 porsiyento, at garments na lumagapak nang 19 porsiyento. Ngunit nagsisimula nang umahon ang exports mula sa pandaigdig na krisis at lumago na nang 4.2 porsiyento ang exports simula noong Agosto.
Nagsimula nang bumalik sa labas ng bansa ang mga OFWs na natengga sa bansa noong pandemya. Mataas-taas sa 1.2 milyon ang bumalik noong 2022 ngunit aasahang lolobo ito ng 2 milyon ngayong taon. Dahil ang mga OFWs ay di kasama sa estadistika ng labor force, ito ay nagpapakita na bawas sa numero ng employed persons. Noong Hulyo, nabawasan ang employed persons ng 2.76 milyon. (Table 1)
Table 1. EMPLOYED PERSONS, Milyon | CHANGE | ||||
2022 | 2023 | 2023 v. 2022 | 2023 v. 2022 | ||
January | 43.02 | 47.35 | 1.77 | 4.33 | |
February | 45.48 | 48.80 | 2.33 | 3.32 | |
March | 46.98 | 48.58 | 1.64 | 1.61 | |
April | 45.63 | 48.06 | 2.36 | 2.43 | |
May | 46.08 | 48.26 | 1.37 | 2.18 | |
June | 46.59 | 48.84 | 1.52 | 2.25 | |
July | 47.39 | 44.63 | 5.72 | (2.76) | |
August | 47.87 | 48.07 | 3.64 | 0.20 |
Aabot sa 258,000 ang mga bagong nabawas sa labor force na nakahanap ng trabaho sa labas ng bansa buong taon mula Agosto 2022 hanggang Agosto 2023. Ito ay mas mababa kaysa 3.09 milyon na nabawas noong Hulyo 2022 hanggang Hulyo 2023. (Table 2)
Table 2. LABOR FORCE, Millions | CHANGE | ||||
2022 | 2023 | 2023 v. 2022 | 2023 v. 2022 | ||
January | 45.94 | 49.73 | 0.74 | 3.79 | |
February | 48.61 | 51.26 | 1.27 | 2.65 | |
March | 49.85 | 51.03 | 1.08 | 1.18 | |
April | 48.39 | 50.30 | 0.98 | 1.91 | |
May | 49.01 | 50.43 | 0.56 | 1.42 | |
June | 49.58 | 51.17 | 0.74 | 1.59 | |
July | 49.99 | 46.91 | 5.25 | (3.09) | |
August | 50.55 | 50.29 | 2.42 | (0.26 ) | |
Source: PSA
|
Tumaas ang may trabahong Pilipino sa 48.07 milyon, mula sa 47.87 milyon noong nakaraang taon. Ito ay mas mataas kaysa noong Hulyo ngunit mas mababa kaysa Hunyo at Mayo na nagtala ng 48.84 milyon at 48.26 milyong trabaho, respectively. (Table 1)
Table 1. EMPLOYED PERSONS, Milyon | CHANGE | ||||
2022 | 2023 | 2023 v. 2022 | 2023 v. 2022 | ||
January | 43.02 | 47.35 | 1.77 | 4.33 | |
February | 45.48 | 48.80 | 2.33 | 3.32 | |
March | 46.98 | 48.58 | 1.64 | 1.61 | |
April | 45.63 | 48.06 | 2.36 | 2.43 | |
May | 46.08 | 48.26 | 1.37 | 2.18 | |
June | 46.59 | 48.84 | 1.52 | 2.25 | |
July | 47.39 | 44.63 | 5.72 | (2.76) | |
August | 47.87 | 48.07 | 3.64 | 0.20 |
Source: PSA
Pinakamalaking bahagi ng mga trabaho ay nasa services sector na nagtala ng 27.56 milyon. Sumusunod naman sa numero ng trabaho ang agrikultura na may naitalang 11.78 milyon, mas mataas nang 958 libo kaysa noong nakaraang taon. . Ang industry sector ay nagtala ng 8.749 milyong trabaho. Lumikha ang sector na ito ng 380 libong trabaho.
Kasabay ang pagbagal ng paglikha ng trabaho ang pagsadsad ng GDP growth ng bansa sa 4.3 porsiyento noong ikalawang quarter ng 2023. Sa kabilang dako, lumakas naman ang Gross National Income (GNI) sa 9.7 porsiyento. Ito ay dahil sa lumalagong OFW deployment na siya naming nagpababa ng bilang ng trabaho sa loob ng bansa.
Ang GNI ay GDP na may kasamang net factor income from abroad na kung saan pumapasok ang OFW remittances na pinapalago ng muling pagbubukas ng travel at tourism sa buong mundo.
Dahil sa mga trabahong nilikha ng ekonomiya at ang pagbaba ng labor force na bunsod ng OFW deployment, bumagsak ang unemployment rate sa 4.4 porsiyento noong Agosto 2023 mula 5.3 porsiyento noong Agosti 2022. Bumagsak din ang underemployment rate sa 11.7.0 porsiyento mula 14.7 porsiyento noong Agosto2022.
Inaasahan natin na bababa pa lalo ang unemployment at underemployment rate dahil sa mga sumusunod.
Una, patuloy na ang pagbaba ng inflation rate sa iba’t ibang bansa. Nagsimula nang umepekto ang mga monetary tightening measures at pagpapanumbalik sa mga supply chain na inaayos ng mga bansa. Sa Pilipinas, bumaba ang inflation rate sa 4.7 porsiyento noong Hulyo mula 8.7 porsiyento noong Enero 2023. Ngunit umakyat ang inflation sa 5.3 porsiyento at 6.1 porsiyento noong Agosto at Setyembre dahil sa mga sunod-sunod na bagyo na sumira sa mga food crops, pag-akyat ng presyo ng produktong poagkain sa buong mundo dahil sa climate change, at ang muling paglukso ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado. Inaasahan pa rin ng Bangko Sentral na bababa ang inflation rate sa katapusan ng 2023 at unang quarter ng 2024 sa 2-4 porsiyento na siyang inflation rate target ng bansa bago sumiklab ang digmaan sa Ukraine at Russia. Pag nangyari ito, puede nang ibaba ng Bangko Sentral ang interest rate at luwagan ang money supply na siyang nagpapataas ng paghihiram para sa bagong kapasidad ng mga paktorya.
Ikalawa, inaasahan din natin na mage-epekto na ang mga repormang pang-ekonomiya na inaprobahan ng nakaraang Kongreso gaya ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act na nagbababa income tax rate ng mga korporasyon, Foreign Investments Act (FIA), the Retail Trade Liberalization Act (RTLA), at Public Service Act (PSA) na nagpaluwag sa pagpasok ng mga dayuhang employer. Sa record ng Philippine Statistics Agency (PSA), tumaas ang investments na rehistrado para sa fiscal incentives mula P290.2 bilyon noong unang kalahati ng 2022 sa P797.6 bilyon noong unang kalahati ng 2023, 174.8% na paglago. Mas maraming employer na naghahanap ng trabahador ang maaaring magpataas ng demand ng mga skilled na empleado.
Ikatlo, inaasahang tataas ang economic growth sa mga susunod na taon dahil sa patuloy na mas mataas na gastusin sa inprastruktura at mga repormang pang-ekonomiya gaya ng productivity programs sa mga mahihinang sectors, lalo na ang pagkain na siyang nagpapataas ng inflation. Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) tumaas ang NG capital outlays mula P470.5 bilyon noong unang kalahati ng 2022 sa P507.2 bilyon noong parehong buwan ng 2023. Inaasahan din ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na aakyat sa 6.5 porsiyento -8 porsiyento ang GDP growth rate sa susunod na limang taon. Dahil dito, inaasahang tataas din ang malilikhang trabaho mula 2.6 milyon hanggang 3.2 milyon bawat taon.
Ikaapat, ang muling pagbubukas ng trade at tourism sa mundo na kung saan ang ating mga OFWs ay nakaempleyo ang tutulong para magkaroon ng trabaho ang gating mga mamamayan na naapektuhan ng pagsadsad ng export of goods at ng GDP growth. Malaking kabawasan ang 2 milyon na aalis sa bansa para i-deploy sa mga overseas jobs.