27.5 C
Manila
Huwebes, Disyembre 5, 2024

Proyektong Enris sa Palawan para sa food security at water quality improvement, tinalakay ng Koica at PCSD

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKIPAGPULONG ang mga kinatawan ng Korean International Cooperation Agency (Koica) at Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pangunguna ni Gobernador Victorino Dennis Socrates noong Oktubre 17 kaugnay ng proyektong Environment and Natural Resources Information System (Enris) for Palawan towards Food Security and Water Quality Improvement.

Inilahad ni Koica Philippines Country Director Kim Eunsob at ng Koica survey team ang resulta ng isinagawang preliminary survey para sa naturang proyekto.

Aprubado na rin ng Korean government ang paglalaan ng pondo para maisakatuparan ang Enris project na magsisimula sa taong 2025 hanggang 2028.

“The $10-million USD ENRIS project has been finally approved by Korean government for the Koica’s grant assistance. Our joint vision for the project will now become a reality. We will now be able to establish information system that will be used by PCSD, Palawan local government units and other relevant agencies to manage water, climate and environment in Palawan,” mensahe ni Country Director Kim Eunsob.

“Let me express my gratitude to KOICA for the funding of this project and the provincial government of Palawan is giving its full support to this project… Your presence here is crucial as we embark the journey in gathering valuable insights and perspectives. It is also an opportunity for each of us to collaborate collective knowledge and to shape our path forward,” ani Gob. Socrates.

Layunin ng proyekto na bumuo ng web-based Enris sa lalawigan batay sa advanced scientific decision support na makakatulong sa mahusay na paggamit sa mga lupain, pagpapanatili ng kalagayan ng ecosystem at pagpapabuti ng mga probisyon ng ecosysytem services, water and food security at climate change adaptability na naaayon sa ECAN Strategic Environmental Plan (SEP) at United Nations Sustainable Development Goals (UN SDG).

Sa pamamagitan ng Enris project, magkakaroon ang Palawan ng sistematikong datos at impormasyon patungkol sa land resources, rational land-use planning and development, land productivity, natural resources management at development of regulatory policies na maaaring magamit o ma-access ng iba’t ibang ahensya.

Ibinahagi rin ng PCSD ang target catchment sites na kinabibilangan ng mga munisipyo ng Aborlan-Narra, Brooke’s Point, Quezon-Rizal, Roxas, Taytay at El Nido.

Samantala, magpapatuloy ang survey at pagkalap ng iba pang kinakailangan datos at impormasyon para sa naturang proyekto.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -