29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

20 PWDs sa Calapan, sumailalim sa Digital Literacy Training

- Advertisement -
- Advertisement -

DAHIL sa patuloy na pag-angat ng digitalization sa buong bansa, siniguro ng pamahalaang lungsod na makakasabay sa pagbabago ng panahon ang 20 Persons with Disability (PWD) sa lungsod na sumailalim sa tatlong araw na ‘Digital Literacy Training’ na isinagawa sa Language Skills Institute, Provincial Capitol Complex.

Nagsanay ang 20 kasapi ng mga may kapansanan sa lungsod ng Calapan sa isinagawang tatlong araw na Digital Literacy Training sa ginanap sa Language Skills Institute sa kapitolyo kamakailan. Larawan kuha ng City Information Office

Ayon kay Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Head, Benjamin Agua Jr., layunin ng programa na matulungan ang mga Calapeñong PWD na magkaroon ng basic computer skills tulad ng paggamit ng office applications para maging digital literate ang isang indibidwal na kalimitang hinahanap sa talaan ng kuwalipikasyon ng mga amo ng isang kumpanya.

Dagdag pa ni Agua, isa rin itong paraan ng pamahalaang lungsod na matulungan ang mga may kapansanan na makahanap ng trabaho o simpleng mapagkakakitaan sa kabila ng iniindang kapansanan.

Katuwang ng pamahalaang lungsod at ng PDAO sa nasabing programa ang Department of Information and Communications Technology. (DN/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -