30.8 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

P20-B collection target, nalampasan ng Makati City; kita mula sa buwis sa negosyo, tumaas ng 41% – Mayor Abby

- Advertisement -
- Advertisement -

NALAMPASAN ng lungsod ng Makati ang target nitong kita sa 2023 ng 13 porsiyento at nagtala ng 41-porsiyento na pagtaas sa koleksyon ng buwis sa negosyo sa ikatlong quarter ng taon, ito ang sinabi ni Makati Mayor Abby Binay.

Sinabi ng alkalde na batay sa pinakahuling ulat mula sa Office of the City Treasurer, ang lungsod ay nakakolekta ng kabuuang P20,051,906,452.22 noong Setyembre 30, na nagposte ng 21-porsiyento na pagtaas mula sa parehong panahon noong nakaraang taon. Tumaas din ng 41 porsiyento ang koleksyon ng Business Tax nito, na umabot sa P11,211,357,657.95 hanggang sa katapusan ng Setyembre.

“Malinaw, muling nabuhay ang sigla ng lokal na ekonomiya ng Makati at ngayon ay lumalaki nang mabilis. Muli kaming nagpo-post ng double-digit na paglaki ng mga kita mula sa mga lokal na pinagkukunan, lalo na mula sa buwis sa negosyo na halos dumoble bago matapos ang taon,” sabi ni Mayor Abby. (“Clearly, Makati’s local economy has regained its vibrancy and is now growing by leaps and bounds. We are again posting double-digit growth in revenues from local sources, especially from Business Tax which nearly doubled even before yearend.”)

Ang Business Permit and Licensing Office ay nag-ulat ng kabuuang 3,791 bagong negosyo na nakarehistro at 35,440 na may mga na-renew na business permit hanggang sa katapusan ng Setyembre. Ang mga bagong negosyo ay nakakuha ng kabuuang P25.47 bilyon sa capital investments, habang ang kabuuang benta ng mga kasalukuyang negosyo ay umabot sa P1.65 trilyon nitong ikatlong quarter.

“Nakakatuwang makita kung gaano kabilis ang pagbangon ng mga negosyo sa lungsod, at kung paano bumangon ang kumpiyansa ng mamumuhunan nitong mga nakaraang buwan. Mas lalo kaming na-inspire na ituloy ang mga inobasyon sa paraan ng paglilingkod namin sa aming mga stakeholders para maging maginhawa at seamless ang karanasan hangga’t maaari,” sabi ng alkalde.

Sinabi pa ni Binay na dahil sa matatag na paglaki ng kita, ang lungsod ay maaaring mapanatili ang mga pinahusay na programang panlipunan nito, habang isinusulong ang isang transparent at digitally transformative na pamamahala.

Iniulat ni City Treasurer Jesusa Cuneta na ang Business Tax ay binubuo ng bulto ng koleksyon ng kita, na sinundan ng Real Property Tax na may P6,013,599,432.53, na 125 porsiyento ng target at apat na porsiyentong mas mataas kaysa sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Idinagdag ni Cuneta na ang mga koleksyon mula sa business at realty taxes ay bunsod na rin ng patuloy na intensive drive ng Finance Department ng lungsod upang maghatid ng mga notice of delinquent payments sa mga may-ari ng negosyo at mga may-ari ng real property sa lungsod.

Kabilang sa mga local revenue sources ng lungsod na nag-post ng 24-percent na pagtaas sa pangkalahatan ay ang Fees and Charges na may P753.72 milyon, at Economic Enterprises, P289.59 milyon. Mula sa iba pang mapagkukunan, nakakuha ang lungsod ng P1.25 bilyon sa National Tax Allotment (NTA), P232.41 milyon bilang bahagi mula sa Economic Zone (PEZA), at P297.49 milyon mula sa Interest Income.

Ang Makati ay kabilang pa rin sa ilang mga local government units (LGU) sa bansa na hindi umaasa sa NTA (dating Internal Revenue Allotment o IRA).

Mula noong 2017, ang Makati sa ilalim ni Mayor Abby ay nagsasagawa ng mga reporma upang isulong ang transparency, accountability, at kahusayan sa mga operasyon sa City Hall.

Sa loob ng anim na sunod-sunod na taon, ang lungsod ay nakakuha ng “unmodified opinion ” mula sa Commission on Audit (COA).

Ayon sa COA, ang hindi binago o hindi kwalipikadong opinion (modified or unqualified opision) ay ibinibigay sa mga LGU kapag ang “auditor concludes that the financial statements are prepared in all material respects, in accordance with the applicable financial reporting framework.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -