26.4 C
Manila
Miyerkules, Pebrero 19, 2025

- Advertisement -
- Advertisement -

IDINEKLARA  na bilang insurgency-free ang bayan ng Jones, Isabela sa naganap na seremonya sa Municipal Sports Complex ng nasabing bayan na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng pulisya at militar at ng lokal na pamahalaan.

Nagpasalamat si Mayor Nhel Montano sa mga tumulong upang makamit ng kanyang bayan ang pagiging isang insurgency-free. (Larawan mula sa LGU Jones/502IB))

Ang aktibidad ay pinangunahan nina 502nd Infantry Brigade Commander B/Gen. Eugene Mata, Isabela Police Provincial Office (IPPO) Acting Provincial Director Col. Julio Go, Jones Chief of Police Maj. Felixberto Lelina at Jones Mayor Nhel Montano at iba pa.

Sinabi ni Mata  na ang pagdeklara sa bayan ng Jones bilang insurgency-free ay dahil wala nang namomonitor na presensiya ng makakaliwang grupo sa nasabing bayan.

Ang bayan ng Jones na ang ika-apat na bayan sa lalawigan na naideklarang insurgency-free matapos na maideklarang insurgency-free ang mga bayan ng San Mariano, San Guillermo at bayan ng Echague kamakailan.

Pinuri naman ni IPPO Acting Provincial Director Col. Julio Go ang Jones Police Station at pinasalamatan ang kasundaluhan maging ang local na pamahalaan sa malaking kontribusyon ng mga ito para maideklarang insurgency-free ang nasabing bayan. (MGE/PIA Isabela)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -