NANATILI ang class suspension ngayon, Disyembre 15, 2023, sa mga daycare, kinderten hanggang grad 12 public schools, Colegio de Muntinlupa para sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Ito ang sinabi ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon.
“Nag-evaluate tayo sa kaganapan ng araw na ‘to kaugnay ng umiiral na transport strike. Base sa ating assessment, magkakaroon ng parehong epekto sa commuters ang strike ngayon,” sabi ng alcalde.
Dagdag pa niya, “Pangunahin nating layunin ay mabawasan ang pressure sa commuters. Nakita nating mas malawak kaysa sa dating transport strike ang partisipasyon ng mga magwewelga; mataas din ang volume ng pasahero sa lansangan lalo na ngayong Christmas season. Ayaw nating ma-inconvenience ang publiko.
“Bagaman suspended ang face-to-face classes bukas, kung nanaisin ng mga magulang na ipagpatuloy ang preparations nila for Christmas parties ng kanilang mga anak, hindi ako mag-o-object, provided na papayag ang school principals na ganapin ang parties sa school premises at ilalagay ng mga magulang ang written consent na pinapayagang pumunta ang anak sa Christmas party.
“Nanatiling prayoridad natin ang kaligtasan ng lahat.”
Panoorin ang live announcement ng alcalde dito: https://www.facebook.com/share/v/SyYTWZrjPbSvQM86/?mibextid=WC7FNe
Ongojng ang Libreng Sakay sa mga sumusunod na ruta:
Alabang Viaduct – Sucat (Vice-Versa)
RMT Tunasan – Alabang (Vice-Versa)
South Station – Buencamino (Vice-Versa)
South Station – Sucat (Vice-Versa)
CAPTION
Inatasan kong i-deploy ang service vehicles ng city government para makatulong sa lahat ng apektado ng umiiral na transport strike.