NIRATIPIKAHAN na ang Bicam Report ng Tatak Pinoy Bill na naglalayong pausbungin ang mga lokal na industriya at mga trabaho, pinagtibay ng Senado noong Disyembre 13, 2023.
Pinasalamatan ni bill author at sponsor, Sen. Sonny Angara, sina Senate President Migz Zubiri at Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva sa kanilang suporta para sa pag-arangkada ng panukalang ito tungo sa pagiging ganap na batas.
Nakapokus ang Senate Bill 2426 o mas kilala bilang Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act na “atasan ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng isang Tatak Pinoy Council na makipag-ugnayan sa pribadong sektor, para matukoy nila ang mga paraan kung paanong mas mapalalakas ang mga Filipino enterprises na makapag-produce ng mas dekalidad na produkto na maaaring isabak sa global competition. Makakatulong na ito sa ating job creation, mas kikita pa ang ating bansa.”
Dagdag pa ni Angara, “Layunin natin sa pagsusulong ng Tatak Pinoy na mas makapaghikayat, sumuporta at mai-promote ang produksyon ng mga dekalidad at sopistikadong produktong Pinoy na maaaring isabak sa pandaigdigang kompetisyon ng mga naglalakihang produkto o serbisyo.” Teksto at larawan halaw sa Facebook page ni Sonny Angara