MASAYANG ibinalita ni Senate President Migz Zubiri sa kanyang Facebook page na itinaas na ang minimum wage sa Mindanao noong Disyembre 22.
“Good news po sa ating mga kapatid sa Northern Mindanao! Bilang taga-Mindanao, matagal ko nang panawagan na itaas ang sahod dito sa atin, para hindi tayo mapag-iwanan ng ibang rehiyon, lalo na ng Maynila. At ito na nga po: May magandang pamasko po ang ating wage boards sa mga manggagawa natin sa Region 10 — magkakaroon na po ng dagdag sahod ang ating minimum wage earners.”
Paliwanag niya, “Aabot po ng P33 ang dagdag sahod sa ating minimum wage earners, at itataas naman sa P5000 ang minimum wage ng mga kasambahay.”
Dagdag pa ng Senador, “Pero pangako ko po na patuloy pa rin nating isusulong ang legislated minimum wage increase sa Senado, para mapataas pa ang sahod ng lahat ng minimum wage earners sa buong bansa.”