SA unang araw ginanap ang Year-End Assesment and Planning Workshop for Association of City and Municipal Agriculturist (ACMA) and Agricultural Extension Worker (AEW) noong ika-13 ng Disyembre 2023. Ito ay idinaos sa Laguna Agricultural Trading Center (LATC), Brgy. Lamot 2, Calauan, Laguna. Ang aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Panlalawigang Agrikultor. Ito ay may kabuoang bilang na 96 na binubuo ng mga City/Municipal Agriculturist at ng mga AEW na mula sa mga 20 na bayan sa Laguna.
Tinalakay sa aktibidad na ito ang mga interventions na ipapamahagi sa tukoy na mga benepisyaryong mga magsasaka at mangingisda para sa taong 2024.
Samantala, sa ikalawang araw ay ginanap ang Year-End Assesment and Planning Workshop for Rural Based Organization (RBO) noong ika-14 ng Disyembre 2023. Ito ay idinaos sa parehong lugar. Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ng 146 na miyembro ng Farmers Association, PAFC, RIC, 4-H Club at ng LIFARMC ng Laguna.
Iniulat ng mga RBOs ang patungkol sa kanilang mga naging accomplishment sa taong 2023. Isa rin sa isinaad ng mga kinatawan ng RBOs and rekomendasyon upang higit na maisaayos at epektibong maipatupad ang mga proyekto para sa susunod na taon.