32.2 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

Ulat ni Senador Loren Legarda sa mga naipasang batas noong 2023

- Advertisement -
- Advertisement -

INIHAYAG ni Senador Loren Legarda sa kanyang opisyal na Facebook page ang mga batas na naipasa niya sa taong 2023.

Post ni Legarda, “Ang taong 2023 ay nagbigay sa atin ng pagkakataong gampanan nang maayos ang ating mga tungkulin bilang isang mambabatas. Kasama ang aking mga kapwa Senador, nakapagpasa tayo ng mga batas na makakabuti sa kapakanan ng ating mga kababayan.”

Ilan sa mga batas na ipinasa ni Legarda ay ang mga sumusunod:

  • Institutionalizing the One Town, One Product (OTOP) Philippines
  • Cultural Mapping Act
  • Instituting policies for the protection and welfare of Caregivers’

Paliwanag ni Legarda, “Ito ang mga batas na aking itinaguyod bilang pangunahing may-akda para sa taong 2023.

Malaki rin ang papel namin sa pagpasa ng mga batas sa pamamagitan ng pagiging isa sa mga may-akda at co-sponsors.

Kasama si Senate President Juan Miguel Zubiri, itinaguyod namin ang pagsang-ayon sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na magbubukas ng malawak na hanay ng mga pagkakataon sa merkado para sa mga namumuhunan, partikular sa mga negosyong nakatuon sa pag-export.”

“Dagdag pa rito, sumang-ayon tayo sa iba’t ibang mga internasyonal na kasunduan para sa kapakanan ng ating mga kababayan, at upang mapahusay ang ating relasyon sa ating mga karatig bansa,” dagdag ng Senadora

Sa huli, pinasalamatan niya ang 2023 at nangakong ipagpapatuloy niya o hihigitan ang mga nagawa.

“Salamat, 2023, para sa isang produktibo at makabuluhang taon. Makakaasa po kayo na patuloy ang paglilingkod ng inyong lingkod para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino, “ pagtatapos ni Legarda.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -