29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

VAWC at WEDC  tumanggap ng ‘package of care’

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGUNAHAN ni Mayor Eric Olivarez nitong Enero 8, 2024 ang pagkakaloob ng Package of Care for Violence against Women and Children (VAWC) and Women in especially difficult circumstances (WEDC) survivors na isinagawa sa Parañaque City Hall Grounds.

Ang proyektong ito ay naisakatuparan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Parañaque katuwang ang City Social Welfare and Development Department sa pangunguna ni Vivian Gabriel.

Ayon sa punong lungsod, ang naturang tulong na ipinagkaloob sa 20 benepisyaryo ay isang uri ng livelihood assistance kung saan sila ay nakatanggap ng tseke na nagkakahalaga ng P10,000 at P15,000.

Dagdag ni Mayor Eric, malaking tulong ang programang ito upang manumbalik ang kalakasan ng mga survivors at maging produktibong indibidwal ng komunidad.

Kasama rin sa naturang seremonyang ito ang Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Joan Villafuerte, SK Federation President Denize Park, mga Punong Barangay ng una at pangalawang distrito, ang pamunuan ng CSWDD sa pangunguna ni Vivian Gabriel, at City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz. Teksto at larawan mula sa Facebook page ng City Information Office – Parañaque

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -