27.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

VP Sara nagbigay ng tulong pinansyal mula sa DSWD

- Advertisement -
- Advertisement -

BUMATI si Bise Presidente Sara Duterte sa mga taga Naga City lalawigan ng Cebu.

“Maayong adlaw kaninyong tanan!

“Dako ang akong pagpasalamat ug kalipay nga nakauban nato ang atong mga kaigsuonan sa Naga City sa probinsya sa Sugbo sa atong pagpa-abot og kalipay pina-agi sa Aid to Individual in Crisis Situation (AICS) gikan sa Department of Social Welfare and Development.”

“Tayo po ay naglakbay patungo sa Naga City sa lalawigan ng Cebu upang ipagkaloob ang tulong-pinansyal mula sa DSWD para sa ating transport sector room.”

Ayon pa sa Bise Presidente, “Dito, ipinaabot natin ang tulong sa mga benepisyaryo ng Tupad mula sa iba’t ibang sektor. Ang Tupad ay programa ng Department of Labor and Employment na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga sektor na naapektuhan ng kalamidad at iba pang sakuna.

“Lubos akong natutuwa na maibahagi ang programa ng Office of the Vice President na MagNegosyo Ta ‘Day sa Moalboal Market Vendor’s Association upang makatulong sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

“At bilang bahagi ng pagsasapuso ng Kapaskuhan sa ating tanggapan, nagbigay ng kasiyahan ang Office of the Vice President sa ating mga kaibigan sa LGBTQIA+ community, rebel returnees, at mga kababayan nating PWDs.

“Sa lokal na pamahalaan ng Naga City, taos-pusong pasasalamat sa inyong mainit na pagtanggap sa amin at sa patuloy na pagsuporta bilang Bise Presidente at Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -