HINIMOK ni Sen. Risa Hontiveros ang lahat na labanan ang ‘disinformation sa kanyang Facebook page.
Aniya, “Let’s fight disinformation. Disinformation has turned us against each other. Kaya ang tendency, hindi na tayo nakikinig sa isa’t-isa at hindi na tayo nagkakaintindihan. Kung ganito na ang estado natin ngayon, paano tayo magkakaisa para sa mas magandang buhay sa ating bansa?”
Paliwanag niya, “Truly, disinformation is a scourge to our society. It erodes institutions and destroys our trust with each other. It is critical for us to act now to combat this existential threat to our democracy.”
Kaya naman pinuri niya ang paglulunsad ng Build Pilipinas.
“Natutuwa ako na sinimulan na ito ng Build Pilipinas at Makati Villages Council. Ang mga binubuo ninyong online communities na naglalayong ipagkaisa ang mga taong pinagwatak-watak ay isang mabuting hakbang tungo sa pagwaksi sa disinformation.”
Sabi pa niya, “It is in these communities we can start finding new openings for conversations that do not incite hatred and sow division among each other, but instead are civil, productive and constructive.”