30.1 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Sec Mina: DBM, nakapaglabas ng mahigit P47.5 bilyon para sa social assistance of individuals, families in difficult circumstances noong 2023

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGLABAS ang Department of Budget and Management ng kabuuang P47.54 bilyon para sa pagpapatupad ng Protective Services of Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSIFDC) program noong 2023.

Sa ilalim ng pamumuno ni DBM Secretary Mina Pangandaman, layon ng malaking pondong ito ang magbigay ng mahalagang suporta sa pagpapatupad ng PSIFDC program, na sumasaklaw sa isang hanay ng serbisyo na nakatuon sa pagpapagaan ng mga pasaning kinakaharap ng mga indibidwal at pamilya sa krisis.

“In times of crisis, our duty as public servants is to extend a helping hand to those who need it most. Marami po sa ating mga kababayan ang umaasa sa tulong na ibinibigay ng programa kaya sinisiguro po natin na patuloy itong aagapay sa mga kababayan nating nangangailangan,” pahayag ni Secretary Mina.

Kabilang sa PSIFDC ang programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), isa sa mga pangunahing programa para sa kapakanan ng publiko ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nagbibigay ng tulong medikal, panglibing, pang-edukasyon, transportasyon, pagkain, at pera.

Ang pangunahing layunin ng AICS program ay tulungan ang mga Pilipinong nasa matinding kalagayan dahil sa sakit, pagkawala, o iba pang hamon.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -