NASA kabuuang 25 mag-aaral ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) sa San Jose, Batangas ang nagpahayag ng kanilang pasasalamat kina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa kanilang graduation ceremony na ginanap sa Barangay Lalayat Covered Court noong February 8, 2024.
“To Senator Alan at Ate Pia Cayetano, lubos po kaming nagpapasalamat mula dito sa San Jose na binigyan niyo po kami ng pagkakataon na magkaroon ng free driving course,” wika ng class president na si Joey Boy Moog.
“Malaking tulong po ito for our future employment and maging sa pagtatayo po ng aming negosyo sa mga susunod na panahon,” dagdag pa niya.
Nagbigay ng allowance at tool kits ang magkapatid na senador sa lahat ng 25 na iskolar. Binigyan din ng sertipiko at Cayetano In Action (CIA) shirts ang mga nagsipagtapos.
Itinampok sa graduation ceremony ang nagawa ng mga iskolar mula sa TVI: Regional Training Center (RTC)-Calabarzon at kanilang pagkumpleto sa Driving NC II Qualification.
Sa pangunguna ni Batangas 2nd District Representative Raneo Abu, dinaluhan nila Association of Barangay Captains (ABC) President Reggie Virtucio, at Tesda RTC-Calabarzon Trainer Roxanne Geron ang pagdiriwang.
“Sa inyong lahat: honor God, build communities, and transform the nation,” mensahe ni Abu sa mga nagsipagtapos.
Nagpasalamat din ang iskolar na si Rachel Mercado sa magkapatid na senador sa pagkakataong makapagsanay sa programa ng Tesda.
“Tatanawin po naming malaking utang na loob po sa inyo iyon,” aniya.