IPINALIWANAG ni Senator Chiz Escudero sa kanyang Facebook page na hindi makasisira sa ekonomiya o sa negosyo ang dagdag na sahod ng mga manggagawa.
Aniya, “Kapagka pinag-uusapan ang pagtataas ng sahod ay palagi na lamang may mga kumukontra at nagsasabing ikababagsak ito ng ating ekonomiya.
Hindi naman gumuho ang lupa nang nagkaroon ng dagdag-sahod.
Sinabi nila na ang mga manggagawa ang unang makakatikim ng dibidendo sa mga natipid na buwis. Natupad ba ito?
Dagdag pa niya. “Para naman sa 1.8 milyon na mga kawani ng mga maliit o small enterprises, ang halaga ng wage increase ay katumbas ng 17 porsiyento ng kanilang kita.”
Ipinasa na ng Senado sa second reading ang P100 Daily Minimum Wage Increase Act nitong Pebrero 14, 2024.