29 C
Manila
Martes, Enero 21, 2025

Mabilis na pag-apruba sa “Eddie Garcia Bill”, ikinagalak ni Sen Lapid

- Advertisement -
- Advertisement -

IKINAGALAK ni Senador Lito Lapid ang mabilis na pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa sa “Eddie Garcia Bill” o ang panukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga karapatan at mapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa sa pelikula at industriya ng telebisyon.

Sa consolidated Senate Bill No. 2505, na kung saan isa sa mga may akda ay si Senador Lapid, matutulungan nito ang mga artista at iba pang maliliit na manggagawa sa entertainment industry na makakuha ng maayos na trabaho at disenteng kita, kaakibat pa ang pagbibigay proteksyon sa kanila mula sa pang-aabuso, panggigipit at mapanganib na working conditions.

Bukod sa kaniyang paglilingkod sa bayan bilang bahagi ng Senado, si Senador Lapid ay kasalukuyan ding direktor ng aksyon at isa sa mga cast member ng FPJ’s Batang Quiapo. Siya ay nagsimula sa showbiz bilang stuntman at nagpatuloy hanggang sa maging batikang artista at haligi sa industriya ng pelikula at telebisyon. Mula sa Facebook page ni Ang Supremo Senador LIto Lapid

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -