29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Zubiri nakakuha ng mayorya ng suporta mula sa mga kapwa senador

- Advertisement -
- Advertisement -

PINABULAANAN ni Senate President Juan Miguel “Migz” F Zubiri ang mga alingawngaw ng pagbabago ng liderato sa Upper Chamber, at sinabing 17 senador ang pumirma sa manifesto ng suporta para sa kanyang pagkapangulo sa Senado.

Sa isang press conference noong Miyerkules, Marso 6, 2024, sinabi ni Zubiri na sina Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., Robinhood Padilla at Jinggoy Ejercito Estrada ang pinakahuling pumirma sa manifesto na sumusuporta sa kanya bukod sa orihinal na 14 na senador (Senate President Pro Tempore Lorna Regina “Loren” Legarda, Senate Majority Leader Emmanuel Joel Villanueva, Senators Juan Edgardo “Sonny” Angara, Maria Lourdes Nancy Binay, Christopher “Bong” Go, Ronald “Bato” dela Rosa, Joseph Victor “JV” Ejercito, Sherwin Gatchalian, Manuel “Lito” Lapid, Mary Grace Poe, Francis Tolentino, Rafael “Raffy” Tulfo, at Mark Villar).

Inaasahan daw niyang madadagdagan pa ito dahil nasa labas ng bansa sina Senators Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano. “I am deeply humbled by my colleagues’ continued trust in my leadership of the Senate. I always say that I serve at the pleasure of my colleagues and with their strong show of support I emboldened to press on as Senate President. I thank my fellow senators, everyone who has already signed the statement of support as well as those who signified their intent to sign as well,” sabi ni Zubiri.

Sa kabila ng mga tsismis, sinabi ni Zubiri na patuloy ang pagtatrabaho ng Senado at ipinasa ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) na mahalaga sa mamamayang Pilipino. Binanggit niya bilang mga halimbawa ang Senate Bill No. 2386 o ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act na nakapasa sa 2nd reading noong Martes, Marso 5; Ang Senate Bill No. 2352 o ang Jail Integration Act, na inaprubahan sa ika-3 pagbasa noong Lunes, Marso 4; at ang pagpapatibay ng House Concurrent Resolutions 19, 21 at 22 na nagbibigay ng amnestiya sa mga miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletariat Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB), Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF), at iba pa.

“What is important is that we don’t lose the sight and focus of helping the people get better lives. I always say I serve at the pleasure of my colleagues. If I am not effective as a leader, then I am ready to step down as long as their numbers show I am no longer effective as a leader,” diin ni Zubiri. Halaw sa ulat ng Senate PRIB

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -