32.2 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

BP Sara dumalo sa 2024 Town Fiesta and 26th Kalanguya Festival

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINAHAGI ni Bise Presidente Sara Duterte ang pagdalo niya sa 2024 Town Fiesta and 26th Kalanguya Festival sa Santa Fe, Nueva Vizcaya kung saan nakibahagi siya sa sa kanilang Women’s Day sa unang araw ng pagdiriwang.

Aniya, “Masaya ako na nakasama ang mga kababayan natin sa Santa Fe, Nueva Vizcaya sa ating pagdalo sa kanilang Women’s Day sa unang araw ng pagdiriwang ng kanilang 2024 Town Fiesta at 26th Kalanguya Festival nitong Miyerkules, ika-13 ng Marso.

“Ating nakasama ang mga miyembro ng iba’t ibang mga organisasyon ng kababaihan sa bayan ng Santa Fe upang parangalan sila kung saan pinangunahan ito ng kanilang butihing Mayor Liwayway Caramat.

“Sa aking mensahe, sinabi ko na huwag kalimutan ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa lahat ng aspeto ng ating buhay, sa ating mga tahanan, trabaho at komunidad.

“Ipinaalala ko rin na importante na maging masipag at matatag upang kayanin ang mga pinagdadaanang mga problema sa buhay.

“Ang bayan ng Santa Fe ay isang 3rd class municipality sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at binubuo ng 16 na barangay. Ang kanilang sikat na produkto ay walis tambo at mga gulay katulad na lamang ng cauliflower, repolyo, luya, sibuyas at iba pa.

“Maraming salamat po sa inyong imbitasyon. Sama-sama tayong magtulungan at magsumikap para sa patuloy na pag-unlad ng Santa Fe, Nueva Vizcaya at ng buong Pilipinas.

“Isang makahulugang pagpupugay po sa mga kababaihan ng Santa Fe at maligayang pagdiriwang ng Kalanguya Festival sa inyong lahat!”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -