NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa komemorasyon ng ika-82 na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mount Samat sa Pilar, Bataan ngayong Abril 9, 2024.
Nag-alay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng bulaklak sa Mount Samat National Shrine sa Bataan para sa mga sundalong lumaban sa World War II.
Kinilala ni PBBM ang sakripisyo ng ating Sandatahang Lakas at siya’y nanawagan sa mga kaugnay na ahensya na pag-aralan ang separation benefits para sa mga beteranong nagtamo ng permanenteng kapansanan habang nasa tungkulin.
Bumista rin si Pangulong Marcos Jr. sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC), inaabot nito ang halagang P150 milyong cheque assistance na gagamitin sa pagbili ng bagong Magnetic Resonance Imaging or MRI machine para sa mga pasyenteng beterano, retired na sundalo, at mga dependent nito.