30.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 6, 2024

Bagong survey kumpirmasyon ng suporta ng mga Pilipino sa ROTC –Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

“Muli, nakita nating malinaw ang boses ng ating mga kababayan pagdating sa panukalang ipatupad ang ROTC.” Ito ang naging pahayag ni Senador Win Gatchalian matapos lumabas sa isang Pulse Asia survey na karamihan sa mga Pilipino, o 69 porsiyento, ang sumusuporta sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps sa mga kabataan.

Ayon sa isinagawang survey noong Disyembre 3 hanggang 7 at kinomisyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri, pinakamataas ang suporta sa pagpapatupad ng mandatory ROTC mula sa Mindanao (79 porsiyento), kasunod ng Visayas (74 porsiyento), National Capital Region (67 porsiyento), at Balance Luzon (63 porsiyento).

Binalikan ni Gatchalian ang resulta ng isa pang Pulse Asia survey na kinomisyon niya noong nakaraang taon, kung saan lumabas na 78 porsiyento ng mga kalahok sa buong bansa ang nagsabing pabor sila sa pagpapatupad ng ROTC sa kolehiyo. Isinagawa ang naturang survey noong Marso 15 hanggang 19, 2023.

“Naniniwala ako na sa pamamagitan ng programang ito, matuturuan natin ang ating mga kabataang maging disiplinado at matatag, lalo na sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng ating bansa pagdating sa seguridad,” ani Gatchalian, isa sa mga may akda at co-sponsor ng Senate Bill No. 2034 o Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Act.

Layunin ng panukalang batas na gawing institutionalized ang mandatory Basic ROTC Program sa mga Higher Education Institutions (HEIs) at Technical Vocational Institutions (TVIs) para sa lahat ng mga mag-aaral na naka-enroll sa hindi bababa sa dalawang taong undergaduate degree, diploma, o mga certificate program.

Inaasahan ng chairman ng Committee on Basic Education ang pagbibigay prayoridad sa panukalang batas sa pagbabalik ng sesyon ng Senado sa Mayo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -