MASAYANG ibinalita ni Sen Risa Hontiveros sa kanyang Facebook page na naging pangunahing tagapagsalita siya sa teen caravan sa Muntinlupa City.
Aniya, “Nagkaroon tayo ng talakayan tungkol sa Teenage Pregnancy Prevention Bill na inihain ko sa Senado, pati na siyempre Libreng Serbisyong Medikal para sa mga teen moms at young parents sa Muntinlupa.
Dagdag pa niya, “Ginagawa natin ang mga ito para talaga maprotektahan ang kinabukasan ng ating kabataan. Ang masigurado na hindi natatapos ang kanilang buhay sa pagiging ina o ama. At ang matiyak na may mga pangarap pa silang pwedeng abutin.
“Dasurv niyo ang magandang bukas
“Thanks so much sa Muntinlupa LGU at Senate GAD sa pag-tulongtulong para dito.”