27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Resolusyong gawing non-working holiday ang pagkakatatag ng Camarines Norte, naipasa sa konseho

- Advertisement -
- Advertisement -

NAIPASA ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Camarines Norte ang isang resolusyon na gawing non-working holiday ang ika-15 ng Abril bawat taon kaugnay ng pagkakatatag ng kasarinlan ng naturang lalawigan.

Ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan (SP) sa pangunguna ni Bise-Gobernador Joseph Ascutia ang Resolution Blg. 182-2024 na humihiling kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin at sa kongreso na ideklara na maging non-working holiday ang lalawigan tuwing Abril 15 kaugnay ng pagkakatatag ng kasarinlan ng Camarines Norte. (PIA5/Camarines Norte)

Ang ipinasang Resolution Blg. 182-2024  ay pinadrinohan mismo ni  Bise Gobernador Joseph Ascuta.

Nakasaad sa resolusyon na ito ay batay sa isang kahilingan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin at sa kongreso na ideklara na maging non-working holiday ang Abril 15 .

Ayon kay Ascutia, ito ay upang makilala ang lalawigan ng Camarines Norte,  mabigyan ng atensiyon ang kahilingan ng konseho at maging ganap na holiday ang Abril 15 na sya ring simula ng  Bantayog Festival.

Ang araw ng pagkakatatag ng lalawigan ay sa bisa ng Provincial Ordinance No. 01-43 at Presidential Proclamation No. 334. s. 1994.

Ang pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte ay binuo ng yumaong si Don Miguel Lukban, unang gobernador na nanunungkulan noong Abril 15, 1920.

Ito ang petsa kung kailan unang binuo at pinasinayahan ang pamahalaang panlalawigan ng National Historical Institute at bilang pagsunod sa Presidential Proclamation No. 334 na may petsang Marso 1, 1994.

Ang pagkaka aproba ng naturang resolusyon ay inaasahang maglalarawan ng mga angkop at makabuluhang pagdiriwang, aktibidad, at programang lalahukan ng mga mamamayan.

Nagpapakita ito, hindi lamang ng kultura, kaugalian at tradisyon ng CamNortenos kundi pati na rin ang pagkakaisa ng mga mamamayan ng Camarines Norte.

Ang bawat pagdiriwang ng anibersaryo ay inaasahang lalahukan ng mga lokal at nasyunal na pamahalaan  kasama ang lahat ng sektor ng lokal na komunidad. (PIA5/Camarines Norte)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -