ANO ang dahilan kung bakit lumakas ang financial performance ng government owned- or controlled corporations (GOCCs)? Sustainable ba ang paglakas na ito o itoý pansamantala lamang?
Taliwas sa mga pangyayari noong panahon ng krisis noong 1984 at 1985 na kung saan ang mga korporasyon ng National Government (NG) o ang Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) ay naging mitsa sa pagbagsak ng ekonomiya, noong panahon ng pandemya, sila naman ang nag-ambag sa mga kaban ng bayan para makapagbigay ng sapat na tulong para sa ayuda ng mga nawalan ng trabaho, makabili ng mga bakuna para sa mga may-sakit, at makabangon muli mula sa pandemya.
Noong 2020, nag-remit ang mga GOCCs ng P152.96 bilyon na kita sa NG, pinakamataas sa buong kasaysayan ng bansa. Karamihan nito ay mga dibidendo na idineklara ng mga GOCCs sa NG. Base sa mga probisyon ng RA 7656, ang mga GOCCs ay dapatg mag-remit ng hindi bababa sa 50 porsiyento ng kanilang taunang kita sa NG. Ito ay itinaas ni Secretary Recto sa 75 porsiyento ang ratio noong Abril 2024 kung may sobrang kita o windfall earnings ang GOCC. Ito ay ginawa pagkatapos mapanayam ni Sec. Recto ang kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) at ang Governance Commission for Government Owned or Controlled Corporations (GCG).
Bumaba ang remittance ng GOCCs sa P73.6 bilyon noong 2021 ngunit tumaas ito ulit sa P95.39 bilyon sa 2022 at P133.33 bilyon noong 2023. Inaasahang sa 2024 ay lalapit o lalampasan ng mga GOCCs ang kitang ire-remit sa NG gaya noong 2020.
Ang paglakas ng GOCC sector ay nagsimula nang itatag ang Investment Coordination Committee (ICC) noong 1980. Ang ICC ay binubuo ng Secretary of Finance bilang Chairman, ang NEDA Secretary bilang Co-Chairman, at ang Executive Secretary, ang Secretaries ng Agriculture, Trade and Industry, Budget and Management at Governor ng Central Bank of the Philippines bilang miyembro.
Ang mga functions ng ICC ay:
- Suriin ang fiscal, monetary at balance-of-payments implications ng major national projects, at magrekomenda sa pangulo ng Pilipinas ng timetable ng pag-implementa ng mga proyektong ito;
- Magbigay-panukala sa pangulo tungkol sa lahat ng isyu na may kinalaman sa pangungutang ng pamahalaan sa loob man ng bansa o sa labas; at
- Magsumite ng status ng fiscal, monetary at balance-of-payments implications ng major national projects.
Dahilan nito, nag-isyu ng ICC ng memorandum para sa mga sangay ng pamahalaan kasama ang GOCCs na kailangang gawan ng feasibility study ang lahat ng major national projects (MNPs) at dapat lahat ay papasa sa 15 percent economic rate of return (EIRR). Dahilan nito, tumaas ang EIRR ng mga proyekto at lumakas ang impact ng mga ito sa GDP growth. Lumalabas sa mga pag-aaral ng Department of Finance ng mga infrastructure projects mula noong 1980 na ang mean EIRR ng mga ito ay umabot sa 47.6 porsiyento, mas mataas kaysa ang average interest rates ng Treasury Bonds at mga pautang ng mga bangko. (DOF Economic Bulletin, 2020)
Sinundan ng ICC ang pagtatag noong 1984 ng Government Corporate Monitoring and Coordinating Committee (GCMCC) sa ilalim ng Deparftment of Finance. Ginawang permanente ang GCMCC sa pamamagitan ng pag-isyu ng Executive Order 236 noong 22 Hulyo 1987. Ang GCMCC na binubuo ng Executive Secretary, mga secretaries ng Department of Finance (DoF), Department of Budget and Management (DBM), Department of Agriculture (DA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Trade and Industry (DTI), at National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary-General. Ang GCMCC ang taga-oversee at taga-coordinate ng mga activities tungkol sa GOCCs kasama sa monitoring ng kanilang financial performance.
Dahilan nito, nalaman ng mga economic secretaries kung bakit walang pambayad sa utang ang mga GOCCs na umutang bago ng krisis noong 1984-1985. Ang depisit ng 13 major GOCCs, tatlong social security institutions, at tatlong government financial institutions mula 1975 hanggang 1984 ay naitala sa equivalent ng 6.0 porsiyento ng GDP bawat taon. At ang cumulative depisit nila sa sampung taon ay umabot na sa P146 bilyon o 25.1 porsiyento ng GDP noong 1985. Sa laki ng kalugihang ito, kailangang sarhan ang marami sa mga GOCCs na ito at kinailangang magkaroon ng debt restructuring ang buong bansa at magkipag-renegotiate sa mga pamahalaan at bangkong nagpautang sa bansa. (DoF Economic Update, 1989)
Nagpatupad ang GCMCC ng mga reporma para ma-rationalize ang GOCC sector. Isinalang sa privatization program ang mga GOCC na mas mabuting hawakan ng pribadong sector. Pinanatili ang mga GOCCs na kailangang nasa hawak ng pamahalaan. Para hindi magpalala sa mahinang kondisyon ng finances ng pamahalaan, nagpasimula ang GCMCC ng corporate planning at performance evaluation for government corporations, at nag-require ng remittance bawat taon ng dividends na equivalent sa 50% (itinaas na ito sa 75% ngayong taon) ng kanilang net income sa National Government (NG). Nag-require ang GCMCC ng interest sa mga pautang ng pamahalaan sa mga GOCC at guarantee fee kapag ginagarantihan ng pamahalaan ang mga utang na ito. Siningil din ng DoF ang lahat ng mga hindi nabayarang utang noong nakalipas, at kapag ang GOCC ay di pa rin makabayad, ito ay ni-restructure kasabay sa pag-approba ng kanilang GOCC recovery program.
Noong 2006, itinayo ang Government Commission on Government Corporations (GCG) para mag-monitor hindi lamang ng 14 major GOCCs kundi ng lahat ng GOCCs at ang kanilang corporate plans, mag-conduct ng performance evaluation , at ituloy ang rationalization ng mga GOCC. Itoý permanenting institusyon at di na komite lamang. Kailangan ng permanenteng institusyon na nakatutok sa lahat ng GOCC operations.
Sa 844 na GOCCs nang sinimulan ang privatization program, 456 ang nabenta sa pribadong sector na nagpasok ng lampas sa P500 bilyon sa kaban ng pamahalaan. Tinatayang 219 ang naiwang nago-operate as of end-2022 ngunit 27 pa ang planong isasara at 3 ay isasa-pribado.
Dahil sa mga reporma, lumakas ang finances ng mga ito at nag-ambag sila ng malaking halaga sa pakikibaka sa COVID-19. Ang report ng monitored GOCCs ay nagpapakita na tumaas ang financing surplus ng monitored GOCCs mula P108.4 bilyon noong 2022 sa P311.6 bilyon noong 2022. Bilang bahagdan ng GDP, itoý umakyat mula 0.56 porsiyento sa 1.28 porsiyento. Tumaas din ang revenues ng mga monitored GOCCs mula P915.6 bilyon noong 2020 sa P1.1 trilyon noong 2022 ngunit bumaba ang ratio nito sa GDP, mula 4.7 porsiyento sa 4.6 porsiyento. Mas mabilis ang paglago ng pribadong sektor kaysa ang pampublikong sektor.
Dahil nakasaad ang mga repormang ito sa mga batas ng bansa, inaasahang patuloy ang magandang pamamahala sa mga GOCCs. At dahil patuloy ang rationalization program ng GOCCs, inaasahang lalo pang lalakas ang GOCC sector sa darating na mga taon.
Table 1. GOCC INCOME REMITTED TO NG | ||||
2020 | 2021 | 2022 | 2023 | |
P Bilyon | 152.963 | 73.64 | 95.39 | 133.33 |
% of GDP | 0.79% | 0.33% | 0.39% | 0.50% |
o.w. GOCC dividends | 135.544 | 58.06 | 69.13 | 100.04 |
Source: Department of Finance |
Table 2. FINANCIAL REPORT OF MONITORED GOVERNMENT CORPORATIONS | |||
P Bilyon | 2020 | 2021 | 2022a/ |
TOTAL REVENUES | 915.61 | 1,030.83 | 1,108.53 |
% of GDP | 4.72% | 4.68% | 4.56% |
14 MAJOR NONFINANCIAL CORPORATIONS | 285.43 | 308.25 | 297.59 |
SOCIAL SECURITY INSTITUTIONS | 604.00 | 692.00 | 768.00 |
GOVERNMENT FINANCIAL INSTITUTIONS | 26.18 | 30.57 | 42.94 |
CURRENT EXPENDITURES | 744.77 | 709.89 | 741.80 |
% of GDP | 3.84% | 3.22% | 3.05% |
14 MAJOR NONFINANCIAL CORPORATIONS | 224.77 | 208.89 | 210.80 |
SOCIAL SECURITY INSTITUTIONS | 520.00 | 501.00 | 531.00 |
GOVERNMENT FINANCIAL INSTITUTIONS | – | – | – |
CAPITAL EXPENDITURES | 62.40 | 62.68 | 55.13 |
% of GDP | 0.32% | 0.28% | 0.23% |
14 MAJOR NONFINANCIAL CORPORATIONS | 62.13 | 62.13 | 54.93 |
SOCIAL SECURITY INSTITUTIONS | |||
GOVERNMENT FINANCIAL INSTITUTIONS | 0.27 | 0.55 | 0.20 |
FINANCING DEFICIT (-)/SURPLUS (+) | 108.44 | 258.26 | 311.60 |
% of GDP | 0.56% | 1.17% | 1.28% |
14 MAJOR NONFINANCIAL CORPORATIONS | – 1.47 | 37.24 | 31.86 |
SOCIAL SECURITY INSTITUTIONS | 84.00 | 191.00 | 237.00 |
GOVERNMENT FINANCIAL INSTITUTIONS | 25.90 | 30.02 | 42.74 |
Source: Department of Finance | |||
a/ Preliminary |