27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

LGUs at ang role nila sa pag-unlad ng bansa

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANO ang local government units (LGUs)? Ano ang role nila sa pag-unlad ng bansa? Nakakatulong ba naman sila sa pagpapalago ng ekonomiya?

Ang LGUs ay ang unang sangay ng gobyerno na madalas nakikita ng mga mamamayan. Sila kasi ang naghahakot ng basura, naglilinis ng mga kalye, kadalasang nagbibigay ng tubig, kuryente, at iba pang mga kailangang serbisyo. Dahil silaý nasa frontline sa pagbibigay ng serbisyo, kitang-kita sila ng mga pinagsisilbihan. Kung sila ay masigasig sa paninilbi o mabagal, itoý kaagad mararamdaman ng mga mamayan. Dahil sila ang unang nagrerehistro ng mga negosyo, malaki rin ang kanilang papel sa pagpalago o pagpabagal ng ekonomiya.

Kung ang kakayahan nilang magsilbi ang pag-uusapan, tumaas ang financing surplus ng local government units mula P185.2 bilyon noong 2019 sa P280.7 bilyon noong 2022. Sa bahagdan ng nominal GDP, itoý rumatsada mula 1.4% sa 2.0%. Ito ang ambag ng LGUs sa savings ng ekonomiya. Pinapautang ito ng mga bangko at ng iba pang financial institutions (kung saan nakalagak ang mga pondo) sa mga investors sa iba’t ibang sektor. Itoý nakakatulong sa pagpapalakas ng financial sector at investments. (Table 1)

Ang pagtaas mg financing surplus ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng lebel ng resources ng local government units (LGUs). Mula P738.0 bilyon noong 2019, lumobo ang revenues ng LGUs mula sa local at external sources sa P1.1 trilyon noong 2022. Sa bahagdan ng nominal GDP, umakyat ito mula 3.8% sa 5.0%.

Ngunit ang pagtaas na ito ay hindi dahil gumanda ang koleksyon nila ng kanilang sariling buwis at nontax revenues. Ang kanilang sariling tax revenue o ang tinatawag na local sources ay lumago lang ng 3.1% bawat taon  at nontax revenue ay lumago lang ng 5.4%. Lumaki ang kanilang resources dahil sa pagtaas ng Internal Revenue Allotment (IRA) o pondo na galing sa National Government (NG) na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).


Tumaas kasi ang IRA ng LGUs  nang nagpasiya ang Korte Suprema tungkol sa Mandanas case na kung saan idinagdag ang BOC collections sa base ng IRA. Noong 2022, kung kailan nagsimula ang effectivity ng Mandanas ruling ng Korte Suprema, dinagdagan ang dating IRA ng P123 bilyon, 0.6% ng nominal GDP. Sa kabuuan, umakyat ang IRA ng mga LGUs sa P1.165 trilyon, 4.2% ng GDP, mula sa dating 3.6% ng GDP.

Habang gumaganda ang finances ng LGUs lalo na iyong galing sa NG, napabayaan ng LGUs ang pangongolekta sa kanilang local sources ng LGU revenues.  Bumaba bilang bahagdan ng total resources ng LGUs na galing sa kanilang sariling koleksyon o local sources mula 34.4%  noong 2019 sa 25.4% noong 2022. Bilang bahagdan ng nominal GDP, bumaba ang tax revenue sa 0.9% samantalang tumaas na ito sa 1.1% noong 2020 at 1.0% noong 2021. Ang nontax revenues ng LGUs ay bumaba rin bilang bahagdan ng nominal GDP. Bumaba ito mula 0.4% noong 2019 sa 0.3% noong 2022.

Ano ang ibig sabihin nito? Lumalala ang dependence ng LGUs sa NG. Hindi nila inaayos ang pangongolekta ng kanilang sariling tax base. Bagkus ay umaasa sila sa grasyang dulot ng external sources gaya ng internal revenue allotment (IRA), .Other shares in National Tax Collections, inter-local transfers, at Extraordinary Receipts, Grants, Donations, and Aids (ERGDA). Lumalaki ang shares ng external sources of revenues sa LGU revenues. Mula 65.6% noong 2019, umakyat ito sa 74.6%. Itoý lumago ng 14.3% bawat taon, mas mataas kaysa GDP growth. Ang pinakamalaking paglago ay naitala ng ERGDA na lumago sa 25.4% bawat taon, na sinusundan ng   Other Shares from National Tax Collections (22.1% bawat taon), Inter-Local Transfers (16.6%) at IRA (13.8%). Hindi sustainable ang mga ito kaya hindi dapat mag-depende na lang dito ang mga LGUs.

Isa rin sa mga pinakamalaking paglago ay naitala sa mga receipts from loans and borrowings na lumukso sa 20.4% bawat taon. Maliit pa ang halagang ito  at hindi ito inaasahang lalago nang tuluyan sa hinaharap dahil ang mga debt service sa bangko ay may hangganan; itoý base sa LGU debt service ceiling and net borrowing capacity na dine-determina at sinesertipikahan  ng  Bureau of Local Government Finance (BLGF) ng Department of Finance (DOF) bago ito aprobahan ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

- Advertisement -

Dahil sa mas maraming resources, lumaki rin ang expenditures ng LGUs. Lumobo ito mula P552.8 bilyon sa P827.7 bilyon. Bilang bahagdan ng nominal GDP, itoý malaking lukso mula 2.8% sa 3.8%.

Lumago ang current expenditures sa 9.7% bawat taon, mas mataas kaysa 3.1% na annual growth ng nominal GDP. Ang pinakamalaking paglago ay naitala ng Labor and Employment (18% bawat taon), Social Services and Social Welfare (14.6%), Health, Nutrition & Population Control (10.8%), General Public Services (9.5%), Economic Services (8.9%), Debt Service (7.3%), Housing & Community Development (5.2%) at Education, Culture and Sports/Manpower Development (4.3%). Kasama sa Labor and Employment, Social Services at Health ang mga gastusin noong panahon ng pandemya kaya malago ang kanilang pagtaas. Hindi naman inaasahang magpatuloy ang mga ito sa hinaharap dahil nawawala na ang pandemya; inaasahang ililipat ito ng mga LGUs sa iba pang gastusin.

Isang malaking pagbabago ay ang paglago ng capital/investment outlays ng LGUs. Itoý lumago mula 18.4% noong 2019 sa 22.6% ng total expenditures noong 2022.  Bilang bahagdan ng GDP, itoý umusbong mula 0.44% sa 0.69%. Ito ay magandang development. Kaya lang, base sa data ng BLGF, malaki ang lugi ng mga economic enterprises ng LGUs naga-average ng P30 bilyon mula 1992 hanggang 2020. Itoý lumalaki bawat taon. Isang pag-aaral na ginawa ni Rosario Manasan at Cynthia Castel ng PIDS noong 2010 ay nagsabi na maraming local government economic enterprises (LEEs) ay nalulugi dahil sa “large arrearages” at “low collection efficiency”. Dagdag pa nila na kailangang maging self-sustaining ang mga ito. Base din sa pag-aaral na ito, lahat ng LEEs na ospital at heavy equipment/motorpool ay nalulugi; 86% ng tertiary schools ay nalulugi; at 40% hanggang 56% ng mga palengke, katayan, sementeryo at water system na minamaneho ng mga LGUs ay nalulugi.

Ganito rin dati ang nangyari sa mga government owned or controlled corporations (GOCCs) ng NG ngunit nang nagkaroon ng reform program ng GOCCs, unti-unti silang naayos at naging malaking contributor sila sa kaban ng bayan noong pandemya.   Kailangan ng reporma sa pamamalakad at pagpaplano ng mga LEEs para di maulit ang nangyari sa mga GOCCs  noong 1984-1985. Kailangan magpatupad ng project evaluation bago mag-implementa ng proyekto. Kailangan din ng periodic na  performance evaluation ang mga LEEs at hindi dapat itago ang mga financial statements nila.  Mas Malaki ang mai-aambag ng mga LGUs sap ag-unlad ng mga komunidad kapag naipatupad ang mga repromang ito. (Table 3)

TABLE 1. LOCAL GOVERNMENT RECEIPTS AND EXPENDITURES

(P milyon, unless otherwise specified)

Particulars 2019 2020 2021 2022 Average Annual Growth
FINANCING SURPLUS 185,190 185,925 174,047 280,709 10.96%
% of GDP 0.9% 1.0% 0.9% 1.3%  
NET OPERATING BALANCE 271,070 272,266 284,607 433,312 12.44%
% of GDP 1.4% 1.5% 1.5% 2.0%  
TOTAL RESOURCES 738,014 833,922 871,296 1,108,365 10.70%
% of GDP 3.8% 4.6% 4.5% 5.0%  
LOCAL SOURCES 253,574 252,569 256,215 281,838 2.68%
% of Resources 34.4% 30.3% 29.4% 25.4%  
TAX REVENUE 183,262 190,559 191,356 207,085 3.10%
% of GDP 0.9% 1.1% 1.0% 0.9%  
Real Property Tax 70,049 70,863 78,196 85,270 5.04%
Tax on Business 102,058 110,736 101,192 107,927 1.41%
Other Taxes 11,155 8,960 11,968 13,887 5.63%
NON-TAX REVENUE 70,312 62,010 64,859 74,753 1.54%
% of GDP 0.4% 0.3% 0.3% 0.3%  
Regulatory Fees (Permit and Licenses) 15,971 14,321 15,828 17,175 1.83%
Service/User Charges (Service Income) 22,618 19,261 20,530 26,107 3.65%
Income from Economic Enterprises (Business Income) 24,687 20,970 22,064 25,670 0.98%
% of GDP 0.13% 0.12% 0.11% 0.12%  
Other Receipts (Other General Income) 7,037 7,459 6,436 5,801 -4.71%
EXTERNAL SOURCES 484,440 581,353 615,081 826,527 14.29%
Share of Total 65.6% 69.7% 70.6% 74.6%  
Internal Revenue Allotment (IRA) 456,800 516,073 554,016 765,878 13.79%
Other Shares from National Tax Collections 20,743 17,977 45,205 46,080 22.08%
Inter-Local Transfer 3,979 4,841 5,156 7,359 16.62%
Extraordinary Receipts/Grants/Donations/

Aids

2,918 42,461 10,704 7,210 25.38%
TOTAL EXPENDITURES                 552,823    647,998    697,249    827,657 10.62%
% of GDP 2.83% 3.61% 3.59% 3.76%  
TOTAL CURRENT EXPENDITURES 466,944 561,656 586,689 675,053 9.7%
% of GDP 2.4% 3.1% 3.0% 3.1%  
General Public Services 253,940 312,414 319,142 365,123 9.5%
Education, Culture & Sports/ Manpower Development 23,622 21,358 25,052 27,980 4.3%
Health, Nutrition & Population Control 63,104 72,870 84,080 95,265 10.8%
Labor & Employment 666 757 1,190 1,291 18.0%
Housing & Community Development 10,554 11,882 12,928 12,914 5.2%
Social Services & Social Welfare 35,114 55,907 51,574 60,529 14.6%
Economic Services 75,189 81,710 87,480 105,645 8.9%
Debt Service (FE) (Interest Expense * Other Charges) 4,755 4,758 5,243 6,306 7.3%
% of GDP 0.024% 0.027% 0.027% 0.029%  
 
% of GDP 2.8% 3.6% 3.6% 3.8%  
RECEIPTS FROM LOANS AND BORROWINGS 21,691 14,916 33,539 45,632 20.4%
% of GDP 0.11% 0.08% 0.17% 0.21% 16.9%
Acquisition of Loans 21,691 14,916 33,539 45,607 20.4%
Issuance of Bonds 0.04 0.05 25
Other Non-Income Receipts 19,137 27,164 31,551 29,303 11.2%
TOTAL NON-INCOME RECEIPTS 49,004 48,142 69,471 77,662 12.2%
CAPITAL/INVESTMENT EXPENDITURES 85,880 86,341 110,560 152,603 15.5%
% of Total 18.4% 15.4% 18.8% 22.6%  
% of GDP 0.44% 0.48% 0.57% 0.69%  
 GDP Nominal 19,517.9 17,951.6 19,410.6 22,024.5 3.1%

 

- Advertisement -

 

 

Table 2. LOCAL ECONOMIC ENTERPRISES (LEEs) OF LOCAL GOVERNMENT UNITS, 1992-2020
ANNUAL AVERAGE IN MILLION PESOS

NET INCOME                          -30,744
GROSS INCOME                     22,657
EXPENDITURES                          53,401
RATE OF RETURN                      -57.6%
Source: Department of Finance/BLGF

 

Table 3. Percentage of LEEs posting losses, by type of LEE, 2007
Markets 53
Slaughterhouses 56
Cemeteries 55
Water system 40
Heavy equipment/Motorpool 100
Hospital 100
Tertiary schools 86
Source: PIDS Study on Local Economic Enterprises
by Rosario Manasan and C. Castel, 2010

 

 

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -