CONGRATULATIONS to Alas Pilipinas for winning the bronze medal in the 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup.
Nakaukit na po sa kasaysayan hindi lamang po sa ating mahal na bansa kundi maging sa larangan ng volleyball ang panalong ito ng koponan na binubuo nina team captain Julia Melissa Morado-De Guzman, former University of Santo Tomas Lady Tigresses Cherry Ann Rondina at Eya Laure, kasama rin sina Vanessa Gandler, Faith Janine Shirley Nisperos, Angel Anne Canino, Arah Ellah Panique, Thea Allison Gagate, Mereophe Aevangeline Sharma, Dell Palomata, Cherry Rose Nunag, Julia Cyrille Coronel, Dawn Nicole Macandili-Catindig, at Jennifer Nierva. Pagbati rin po sa mga coach sa pangunguna ni Jorge Souza de Brito at assistant coaches Ed Ortega at Ronwald Dimaculangan sa paghasa ng potensyal ng ating women’s volleyball team.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng kanilang sipag, dedikasyon, at hindi matitinag na diwa ng ating mga atleta, coaches, at buong support team.
Inihain po natin sa Senado ang Proposed Senate Resolution No. 1042 para kilalanin ang tagumpay nilang ito. Hinihikayat po natin ang suporta ng ating mga kasama sa Senado sa pag-adopt ng resolusyong ito.
Bilang mambabatas at former national team player, patuloy rin po tayong magbibigay ng iba’t ibang suporta sa ating mga atleta. Bukod sa financial reward na nakasaad sa ilalim ng Republic Act No. 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, mahalaga rin pong matutukan ang kanilang kalagayan lalo na po ang pagpapaigting ng kanilang training at pagpaparami ng kanilang equipment para mas lalong dumami ang kabataang Pilipino na maaaring sumabak sa larangan ng sports.