28.8 C
Manila
Huwebes, Setyembre 12, 2024

Pilipino Tayo, hinimok ang mga Pilipino na makiisa sa panawagan para sa Pambansang Reporma sa pamamagitan ng Con-Con

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG patuloy na paglala ng mga isyung sosyal, politikal at ekonomiya na higit pang diniinan ng problema sa seguridad ng bansa dahil sa nagbabadyang banta at panganib sa West Philippine Sea ay nagtulak sa kilusang Pilipino Ttayoayo na mabilisang kumilos upang pagtuunan ang mga mabibigat na isyu ng bansa; gaya ng walang humpay na pagtatalo sa pulitika, patuloy na pagtaas ng mga bilihin, paglabag sa kalayaan sa pagsasalita, at lumalaking pangloob at panglabas na banta sa segirudad ng Pilipinas.
Kamakailan, inihayag ng Pilipino Tayo na sinisimulan na nila ang panawagan para sa isang Con-Con at hihilingin ang partisipasyon ng mga kinatawan mula sa bawat sektor at lalawigan sa bansa para bumalangkas ng panukalang Konstitusyon na mas makakatugon sa kasalukuyang pangangailangan ng bansa na isusumite sa mga awtoridad at ihaharap sa mga tao.
Ang Pilipino Tayo ay aktibong nakikipagpulong sa ilan sa mga iginagalang na pinuno, kinikilalang mga eksperto at intelektwal mula sa iba’t ibang industriya, at mga opisyal ng LGU upang talakayin ang inisyatiba.
Sa mga talakayan, ang Pilipino Tayo ay nagtatag ng isang malinaw na layunin: Upang simulan ang panawagan para sa isang inklusibo at nagkakaisang pagsisikap tungo sa isang Constitutional Convention upang matugunan ang marami sa mga problema ng bansa, kabilang ang mga pangamba ng mga tao laban sa Charter Change.
Tanging Con-Con lamang ang makakapigil sa mga pagtatangka na palawigin ang mga limitasyon sa termino at mga pansariling panukala upang bigyan ng higit na kapangyarihan at pera ang gobyerno at mga pulitiko sa kapinsalaan ng mga tao. Ito ang tanging paraan upang matiyak na ang mga reporma ay tungo lamang sa kapakanan ng mamamayan at bayan gaya ng pagbuo ng mas malakas na ekonomiya, pambansang seguridad, at proteksyon ng demokrasya at indibidwal na kalayaan.
“Sa pamamagitan nito, magkakaroon tayo ng pagkakataong bumuo ng isang mas matatag, mabuti, at makataong bansa para sa ating mga anak at mga anak ng ating mga anak. Ang ating adhikain ay isang mapayapa, malaya, at maunlad na bansa na makapagbibigay ng mas magandang pagkakataon para sa ating mga anak na magtagumpay,” dagdag nila.
Nanawagan din ang Pilipino Tayo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na linawin ang kanyang posisyon sa Con-Con at Federalism.
“Habang kinikilala natin na ang kapangyarihan ay nasa mga tao, hindi natin maaaring balewalain ang mahirap at mahalagang papel na dapat gampanan ng mga pinuno ng ating bansa upang mabilang ang pagsisikap na ito. Kaya naman muli tayong nananawagan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na simulan at ituloy ang panawagan para sa Con- Con,” sabi nila.
“Si Pangulong Marcos ang chairman ng “Partido Federal ng Pilipinas”. Ngayong nabanggit na ito, hinihiling namin sa kanya na gawing malinaw ang kanyang posisyon. Talaga bang itinataguyod niya ang reporma sa konstitusyon at pederalismo? Hindi ba ito ang mga mithiin ang mismong pundasyon kung saan itinatag ang kanyang sariling partidong pampulitika?” dagdag pa nila.
Nananawagan din ang Pilipino Tayo sa Kongreso na ituloy ang Con-Con sa halip na itulak ang Resolution of Both Houses No. 6 & 7 na, paliwanag nila, ay isang paraan ng pag-amyenda na hindi nakasaad sa kasalukuyang Konstitusyon.
Pinuna ng Pilipino Tayo kung paano patuloy na nagdurusa ang Pilipinas sa katiwalian sa gobyerno gayundin sa mga banta sa pambansang seguridad.
“Ipaalala natin ang kasalukuyang kalagayan ng ating bansa. Ayon sa world ranking standards, ang Pilipinas ay naging isa sa mga pinakamasamang destinasyon ng pamumuhunan, ito ay nabibilang sa mga pinaka-corrupt na bansa, isa sa pinakamahinang sistema ng hustisya, at isa sa pinakamahinang bansa sa mundo sa larangan ng malayang pangangalakal. At dahil sa katiwalian at kapabayaan, ang ating bansa ay naging isa sa pinakamahina sa kapangyarihang militar sa mundo, na hindi kayang ipagtanggol ang sarili mula sa mga banta at pananalakay ng dayuhan,” sabi nila.
“Ang ating kasalukuyang Konstitusyon, na nagbigay ng sobra-sobrang kapangyarihan sa gobyerno sentral o “imperial Manila,” ay nawalan ng kapangyarihan upang tugunan ang mga pang-aabuso at katiwalian sa pamahalaan. Bagkus, ginawa itong pamantayan sa lipunan ng mga tiwaling opisyales ng gobyerno, na kayang manipulahin ang sistema ng gobyerno, upang manghimasok sa lahat ng ating likas na karapatan at kalayaan sa ekonomiya,” dagdag nila.
Binigyang-diin ng Pilipino Tayo kung paanong ang pagbabago ng Saligang Batas sa pamamagitan ng Con-Con ay “naging karapatan at tungkulin ng mga tao.
” Ang Pilipino Tayo ay isang kilusang ipinatawag ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica, dating Senador Gringo Honasan, BGen. Carlos Quita (Ret.), Gen. Atty. Fortunato Guerero (Ret.), Atty. Eduardo Bringas, Bishop Butch Belgica, Bishop Reuben Abante, Dr. Dennis Reyes, Phd, Dr. Froilan Calilung at dating Congressman at Secretary Mike Defensor. ###

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -