HIGIT na oportunidad sa turismo ng Pilipinas at 20,000 direct at indirect na trabaho ang maaasahan mula sa Grand Westside Hotel ng Megaworld Corporation, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.


Sa ceremonial opening ng hotel sa Paraรฑaque, ibinahagi ni PBBM na magbibigay-daan ito upang mas makilala ang itinuturing na Entertainment City ng bansa. Binubuo ng dalawang 19-story na gusali, ito ay may 1,530-room structure na matatagpuan sa Metro Manilaโs โEntertainment City.’ Ang Grand Westside ay inaasahang napapanahon upang matugunan ang tumataas na bilang ng local at international tourists sa Metro Manila.