HINIKAYAT ni Senador Loren Legarda ang pribadong sektor na aktibong makilahok sa mga aktibidad na para sa kalikasan dahil sa malaking maiaambag ng naturang sektor sa pagprotekta ng ating mga likas na yaman.
Pinaalahanan ni Legarda ang mga miyembro ng pribadong sektor at iba pang stakeholders ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na importante ang kanilang gampanin para sa pangangalaga ng kalikasan sa ginanap na 2024 Philippine Environmental Month Culminating Activity noong Hunyo 29 sa National Museum of Natural History sa Maynila.
“We call on the sector here with the greatest potential for both harm and positive change — the private sector,” talumpati ni Legarda.
“You can be the guiding force in our economy, embracing natural capital accounting, and adopting business practices that enhance rather than exploit natural ecosystems,” dagdag niya.
“The academe will provide the strategic insights needed for success, while the role of the government remains crucial.”
Naging adbokasiya na ng senador ang pagpapasa ng mga batas ukol sa pag protekta ng kalikasan, mula nang siya ay unang mahalal sa Senado noong 1998.
Pinangunahan niya ang pagpapasa ng mga batas tulad ng Wildlife Resources Conservation and Protection, Expanded NIPAS of 2018, at Climate Change Act of 2009.
Siya rin ay nagsilbing principal author at sponsor ng Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) Act, na mahalaga para masinop na pagbibilang at pagtatala ng mga likas na yaman ng bansa. Ang makakalap na datos sa PENCAS ay makakatulong sa paggawa ng mga importanteng polisiya ng pamahalaan at sa patulog na pagpapalakas ng ekonomiya.
“Partnerships among all these sectors are flexible and focused, amplifying impact, and increasing knowledge sharing and testing,” ani Legarda.
“When partnerships succeed, whether through the removal of species from the threatened species list, the rehabilitation of hectares of land, or schools adopting zero waste and edible schoolyards, we should celebrate these achievements.”
https://lorenlegarda.com.ph/legarda-highlights-stakeholders-key-role-in-environmental-protection/