30.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 6, 2024

Villanueva pinuri ang pag-apruba ng Doctor of Medicine program ng BulSU

- Advertisement -
- Advertisement -

IKINATUWA ni Senador Joel Villanueva, principal author at sponsor ng Doktor Para sa Bayan Act, ang pag-apruba ng Commission on Higher Education (CHEd) sa Doctor of Medicine program ng Bulacan State University (BulSU).

“Sa wakas! Tagumpay po ito hindi lamang ng mga Bulakenyo, kundi ng lahat ng mga kababayan natin sa mga karatig-lalawigan sa Central Luzon na nagnanais mag-aral ng kursong medisina,” pahayag ni Villanueva.

Ang BulSu ang kauna-unahang State University and College (SUC) sa Region 3 na pinayagan ng CHEd na mag-alok ng Doctor of Medicine program na magsisimula sa academic year 2024-2025.

Maliban sa BulSU, binigyang permiso na rin ng CHEd ang Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) sa La Union na mag-alok ng Doctor of Medicine program sa susunod na academic year.

“We started with eight SUCs in seven regions and now we have 22 SUCs offering the Doctor of Medicine program in 15 regions in the country,” sabi ni Villanueva.

Mula nang ipasa ang Doktor Para sa Bayan Act, iniulat ni Villanueva na ang doctor-to-population ratio sa bansa ay tumaas na sa 3.7 doktor kada 10,000 Pilipino mula sa 2.64 doktor kada 10,000 Pilipino.

“Malayo pa pero malayo na. We are on the right track in achieving the World Health Organization’s (WHO) prescribed ratio of 10 doctors per 10,000 population,” ani Villanueva.

“Our vision of making medical education accessible to aspiring doctors is becoming the country’s reality day-by-day,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11509, nagtatag ng isang medical scholarship at return service program, kung saan sasagutin nito ang iba’t-ibang gastusin gaya ng tuition, allowances para sa libro, uniform, transportation, accommodation, internship costs, medical board review, at licensure examination fees. Kapalit nito, ang mga iskolar ay obligadong maglingkod sa mga pampublikong ospital at health facilities ng hindi bababa sa isang taon para sa bawat scholarship year na na-avail.

Nakasaad din sa batas na matapos makapasa sa physician licensure examination, ang medical scholar ay isasama sa public health at medical service system, sa pamamagitan ng Department of Health, at makakatanggap ng karampatang civil service rank, salary at iba pang benepisyo.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -