30.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 6, 2024

Turismo bilang motor ng paglaki ng ekonomiko

BUHAY AT EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

NAPABALITA sa Pinoy Peryodiko noong Hulyo 14, 2024 na ang kita mula sa turismo sa unang anim na buwan ng taon umabot na sa P282 bilyon. Ito ay nagpakita ng halos 33% pagtaas kung ihahambing sa parehong panahon noong isang taon. Samantala, mahigit sa 3 milyong turista ang bumisita sa ating bansa sa parehong panahon.

Kahit napakataas ng porsiyento ng paglaki ng kita mula sa turismo sa bansa napakalayo pa rin natin sa performance ng Thailand, ang nangungunang bansa sa Asean sa pag-akit ng mga dayuhang turista. Noong 2023 umabot sa 28 milyon turista ang bumisita sa Thailand at tinatayang aabot pa ito sa 39 milyong turista ngayong 2024. Ang kita sa turismo sa Thailand ay umabot sa $31.32 bilyon noong 2023 na napakataas kung ihahambing sa $ 4.8 bilyon na naitala ng Pilipinas sa unang anim na buwansa kasalukuyang taon. Kahit gawin pa nating itong $ 10 bilyon ang kikitain ng bansa sa turismo ngayong taon mababa pa rin ito sa kita ng Thailand noong nakaraang taon.

Ganoon pa man malaki ang potensyal ng turismo na makapag-ambag sa paglaking ekonomiko na tinatamasa ng Thailand, Malaysia at iba pang bansa sa rehiyon dahil sa mga sumusunod na dahilan. Una, ang turismo ay may malalawak na kapit sa ekonomiya. Ang turismo ay kumukuha ng mga mga materyal at serbisyo sa mga maraming industriya upang isagawa ang paglalaan ng serbisyong pangturismo. Mahigpit ang kapit ng turismo sa transportasyon. Maraming serbisyong pangturismo ang nangangailangan ng local at internasyonal na transportasyon sa himpapawid, lupa at karagatan upang ilipat ang mga turista sa iba’t ibang lugar sa bansa.  Ang masiglang turismo ay nagpapasigla rin sa industriya sa pagkain dahil kinakailangan ng mga turistang kumakain habang sila ay namamasyal at at nagliliwaliw sa bansa. Ang turismo ay may epekto rin sa industriya ng sugalan at entertainment. Maraming turista ang dumadayo sa ating bansa upang maglaro, magsugal at manuod ng mga concert. Dahil marami at malawak ang kapit ng turismo sa iba’t ibang industriya, ang masiglang sektor ng turismo ay nagpapasigla rin sa ibang sektor ekonomiko at sa buong ekonomiya.

Ikalawa, ang idustriya ng turismo ay nagbibigay trabaho sa maraming manggagawang Filipino. Tinataya na halos 13% ng hukbong paggawa noong 2023 ay kaugnay ng sektor ng turismo. Dahil sa lawak ng kapit ng turismo sa maraming sektor ng ekonomiya tinataya na mahigit pa sa 13% ng hukbong paggawa ang tuwiran at di tuwirang nabibigyan ng trabaho ng sektor ng turismo. Marami sa mga mangagawa sa transportasyon, pagkain, sugalan at entertainment ay nabigbigyan ng trabaho bunga ng masiglang kapit ng turismo sa mga industriyang nabanggit.

Ikatlo, ang turismo ay nagdadala ng dayuhang capital bansa. Ang mga dayuhang mangangapital sa bansa ay nakilala ang ating bansa sa pagiging turista. Marami ring mga hotel ang itinayo sa ating bansa gamit ang dayuhang capital. Tumutulong din ang mga dayuhang capital sa pagpapalawak  imprastruktura lalo na sa sector ng turismo.


Ganoon pa man may mga hamon sa pagpapaunlad ng turismo sa ating bansa.

Una, ang pagkasira ng kalikasan. Sa dami ng mga turistang pumapasok sa ating bansa, maaaring masira ang ating kapaligiran sa mamamagitan ng labis na paggamit, pagkakalat at pag-iingay sa mga lugar. Matatandaan na ipinasara ng dating Pangulong Duterte ang isla ng Boracay upang mabigyan ng panibagong buhay sa harap na pang-aabuso ng mga turista sa karagatan at kalupaan sa lugar.

Ikalawa, maaari itong mauwi sa paglaganap ng krimen sa sugalan. Dahil ang sugalan ang pinakamadaling makaakit ng turista,  maaari sa mga otel na itinayo sa ating bansa ay may kaakibat na sugalan. Mula sa sugalan itong nagsisimulan pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataaan at pagkalulong sa sugal at pagkawasak ng pamilya.

Ikatlo, maaari din itong mauwi sa paglaki sa BOP deficit. Ang industriya ng turismo ay nangangailangan ng mga inaangkat na pagkain upang maging kaakit akit tayo sa mga dayuhang turista. Maraming karne, isda, keso, inumimng nakalalasing ang inaangkat upang tumugon sa panlasa ng mga dayuhang turista. Dahil malaki ang ginagastos ng mga dayuhang turista sa pagkonsumo mga inaangkat na pagkain at inumin ang lumiliit ang ambag ng turismo sa ating balance of payments. Idagdag pa rito,  ang mga bayarin sa pagpapatayo ng mga dayuhang hotel ay nakaaambag din sa trade deficit. Dapat bayaran ng royalty, at pagpapatakbo nila ng mga hotel.

- Advertisement -

Kaya’t kung susuriin ang tunay na kontribusyon ng turismo sa ekonomiya, marapat na timbangin ang mga benepisyo nito sa pagpapalawak ng kita at empleo pati na rin an ang mga sakripisyong pinapasan ng mga mamamayan at komunidad bunga ng pagkasira ng kapaligiran, pagkakalat at iba pang pang-aabuso.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -