NATAPOS na ang negosasyon ng mga unyon, Nagkakaisang Manggagawa ng Buong Lohistika at Distribusyon ng Coca-Cola Southern at Central Mindanao (NMLDCC) at Samahan ng Manggagawa sa Coca-Cola (SamaCoke), sa kani-kanilang Collective Bargaining Agreement (CBA) sa Coca-Cola Beverages Philippines, Inc. (CCBPI) Davao Distribution Center noong Hulyo 2 at 3, 2024, ayon sa ulat. Nakarehistro ang parehong unyon sa Davao City at kasapi ng Federation and Cooperation of Cola Beverage and Allied Industry Unions (FCCU).
Naghain ang mga unyon ng Notice of Strike sa Regional Conciliation and Mediation Board (RCMB) sa Region 11 batay sa bargaining deadlock sa mga probisyong pulitika at ekonomiya. Magtatapos ang huling dalawang (2) taon ng mga unyon ng kani-kanilang CBA sa beverage company. Nagtakda ang RCMB 11 ng mga conciliation conference, upang pakinggan ang mga proposal at makabuo ng kasunduan na tanggap ng parehong partido.
Sa kaso ng NMLDCC, ang conference ay nakatakda sa huling araw ng mandatory strike ban period, na nagtataas sa tsansa ng pulong. Sa kabila nito, ang kumperensiya na nagtagal ng mahigit 12 oras, ay natapos ng may pagsang-ayon mula sa dalawang partido na ayusin ang kani-kanilang gusot.
Nasa 149 na manggagawa ang tinatayang makikinabang sa economic package mula sa CBA na sumasaklaw sa Pebrero 1, 2024 hanggang Enero 31, 2026. Bukod sa mga benepisyong pananalapi mula sa CBA, sumang-ayon din ang mga partido sa mga kondisyon para sa pagbibigay ng opisina para sa unyon at union leave gayundin ang pagpili ng isang third-party arbitrator.
Sa kabilang banda, naayos din ang deadlock ng SamaCoke at CCBPI. Ang mga probisyong pampulitika, tulad ng saklaw ng bargaining unit, seguridad sa trabaho, at seguridad ng unyon, ay isinapinal upang maisama sa CBA. Para naman sa probisyong ekonomiya, at inaasahang pakikinabangan ng 286 manggagawa. Sasaklawin ng CBA ang panahon mula Nobyembre 1, 2023 hanggang Oktubre 30, 2025.
Ang pagtutulungan ng management at ng unyon, at pagiging bukas ng isipan sa pagbubuo ng mga proposal kung saan binibigyang-halaga ang interes ng bawat partido ang naging dahilan sa maayos na pagtatapos ng gusot sa pagitan ng magkabilang partido.