26.4 C
Manila
Huwebes, Disyembre 5, 2024

Sen Hontiveros: Sa lahat ng POGO, goodbye

- Advertisement -
- Advertisement -

KAGYAT na nag-post si Senator Risa Hontiveros sa kanyang Facebook page sa ginawang opisyal na pagbabawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Offshore Gaming Operators of POGO sa kanyang isinagawang State of the Nation Address o SONA.

Ito ang kanyang pahayag, “POGOs banned effective today! Isang napakalaking tagumpay ito para sa buong bansa.

“Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Women na nanguna sa imbestigasyon tungkol sa mga krimeng nakakabit sa POGO, hindi ko matatawaran ang saya at ginhawa ng pagpapabawal ng POGO sa bansa.

“POGOs have brought innumerable and unspeakable social ills into the country. I commend the President for his resolute pronouncement.

“Mahalagang umpisa ito sa isang mahabang hakbang para mapanagot ang mga nagpapasok at nagpahintulot sa paglaganap ng mga krimeng dala ng POGO sa ating bansa.

“Sisiguraduhin din natin na magkaroon ng just transition para sa mga manggagawang Pilipino na nagtratrabaho sa mga POGO.

“Our Senate hearings will continue to demand accountability. We will also continue to ensure that we strengthen policies that would prevent industries like POGOs from ever emerging again.

“Maraming salamat sa lahat ng mga victim-survivors, whistleblowers, at government agencies na nakipagtulungan sa aming imbestigasyon sa Senado para mabunyag ang kababalaghang nakapalibot sa POGO. We owe you this victory.

“And to all POGOs — legal o illegal — goodbye.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -