32.2 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

Pangandaman, inaprubahan ang pagpapalabas ng karagdagang P5 billion para mabayaran ang mga benepisyaryo ng 4Ps sa taong 2023

- Advertisement -
- Advertisement -

PARA mabigyan ng karagdagang pondo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), isang mahalagang inisyatiba na layong labanan ang kahirapan at suportahan ang mga pamilyang nangangailangan sa buong bansa, inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang pagpapalabas sa P5 bilyong piso sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Makakatulong po ito para maibsan ang epekto ng inflation sa ating mga kababayan. The DBM will do its part to streamline budget processes so that our citizens benefit from faster and more efficient delivery of essential services such as our 4Ps,” pahayag ni Secretary Mina.

Ang inaprubahang pondo, na manggagaling sa Fiscal Year (FY) 2023 Continuing Appropriations (Republic Act No. 11936), ay gagamitin para sa mga arrears ng FY 2023 4Ps grants mula sa deactivation/suspension ng tinatayang 703,888 households na 4Ps beneficiaries.

Binigyang-diin din ni Secretary Pangandaman ang kahalagahan ng pag-apruba ng pondo, aniya, “Through this allocation, the DSWD can continue its critical work without interruption, providing much-needed assistance to our most vulnerable citizens.”

Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), matatandaang iniulat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na higit 420,000 households ang gumradweyt na mula sa 4Ps o na-assess bilang self-sufficient mula ng kanyang nakaraang SONA.

“With a noble aim of breaking the cycle of poverty across the country, the 4Ps has not only consistently accomplished its annual target, it has also proven its efficacy over the years,” sinabi ng Pangulo.

Isa sa mga haligi ng social protection strategy ng gobyerno, ang 4Ps ay nagbibigay ng conditional cash transfer sa mga pamilyang higit na nangangailangan upang mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon.

Palalakasin ng karagdagang pondo ang mga gawaing ito sa pamamagitan ng pagpapanatili sa operasyon ng programa at sa pag-abot sa mas marami pang pamilya.

Umaayon din ang 4Ps sa Bagong Pilipinas campaign, na layong bigyan ng magandang kinabukasan at suporta ang bawat Pilipinong nangangailangan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -