NAKIISA si Senador Alan Peter Cayetano sa pagdiriwang ng bansa sa pagkamit ni Carlos Yulo ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics, sabay pagbibigay-diin na isa itong magandang pagkakataon para isulong ang mga sports development initiatives ng bansa.
“Congratulations and thank you Carlos Yulo for bringing more glory and honor to the Philippines… A medal for the Philippines through God’s grace!” sinulat ng senador sa kanyang Facebook page nitong Sabado ng gabi pagkatapos manalo si Yulo ng gold medal para sa performance niya sa Artistic Gymnastics Men’s Floor Exercise.
“Your journey from the playgrounds of Malate to the Olympic stadium in Paris is a true inspiration for every Filipino. Along the way you have shown what sacrifice, commitment, and the Filipino spirit can achieve,” dagdag niya.
Nagpatuloy ang papuri ni Cayetano ng sumunod na gabi, Agosto 4, matapos muling manalo si Yulo sa kompetisyon ng Men’s Vault.
“Praise God! Caloy honors the whole country again! The entire nation is proud of you and your historic performance!” sulat ng mambabatas at sports enthusiast nitong Linggo ng gabi.
Binigyang-diin ni Cayetano ang pangangailangan na pahusayin ang grassroots sports development sa bansa dahil aniyay dito nagsimula si Yulo tungo sa kanyang twin Olympic gold medals.
“We really need to revitalize our grassroots sports program. The next generation of Carlos Yulos are out there, pero mag-uumpisa ‘yan with our schools and communities rallying behind their local sports programs,” aniya.
Noong 2019 nang pamunuan ni Cayetano ang Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC), pinuri niya ang malaking potensyal ng mga kabataan at aspiring athletes – kabilang si Carlos Yulo – at tiniyak na suportahan sila sa anumang paraan.
“We celebrate sports, but we also celebrate our people… All of you athletes who inspired us make us proud. Do not underestimate the impact you have made in our lives,” sabi ni Cayetano sa kanyang talumpati sa closing ceremony ng 2019 Southeast Asian Games.
“Today we are better people because of you,” dagdag niya.