27.8 C
Manila
Biyernes, Setyembre 13, 2024

230 residente ng Tagkawayan, tumanggap ng tulong mula sa programang AKAP

- Advertisement -
- Advertisement -

PATULOY na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Tagkawayan ang Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program o AKAP, isang inisyatiba ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang nangangailangan.

Ayon sa Tagkawayan Public Information Office,  sa ilalim ng programang ito, nasa 230 residente ang nakatanggap ng financial assistance upang matulungan silang makaagapay sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Pinangunahan nina Quezon Fourth District Representative Atorni Mike Tan, Mayor Carlo Eleazar at iba pang opisyal ang programa sa pamamahagi ng nasa P490,000.00 na tulong pinansyal sa mga benepisyaryo ng programa.

Ayon kay Tan, ang naturang programa ay ipinatupad sa direktiba mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at inisyatiba ni House Speaker Martin Romualdez.

Naging panauhin sa idinaos na distribusyon sina Bokal Sonny Ubana, Bokal Harrold Butardo, Vice Mayor Danny Liwanag, Kon. Revie Masangkay, Kon. Fourth Salumbides, Kons. Botoc Magpantay, Kons. Roberto De Vero, Kon. Leo San Buenaventura at Kon. Josie Wagan Guarin at dating Konsehal,  George Lopamia. (RO/PIA-Quezon)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -