SA loob lamang ng anim na buwan mula January hanggang June 2024, umabot na sa 119,345 na mga puno ang naitanim ng Office of the Vice President (OVP) sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng programang PagbaBAGo: A Million Trees Campaign.
Ang programang ito ay naglalayon na makapagtanim ng 1 million na puno sa buong Pilipinas bilang suporta ng OVP sa National Greening Program para sa mas luntian at masaganang kalikasan para sa ating bansa.