26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

OCD: 78 LGUs sa Mimaropa, hangad na mabigyan ng Gawad Kalasag Seal

- Advertisement -
- Advertisement -

HANGAD ng Department of National Defense-Office of Civil Defense (DND-OCD) na mabigyan ng Gawad Kalasag Seal ang lahat ng 78 na local government units (LGUs) sa Mimaropa Region sa susunod na mga taon.

Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas ngayong Agosto 20, sinabi ni DND-OCD Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Division Officer-In-Charge Marc Rembrant Victore na on-going na ang assessment and validation sa national level ng Calendar Year 2023 accomplishment ng mga LGUs para sa nasabing pagkilala.

Ang Kalamidad at Sakuna Labanan, Sariling Galing ang Kaligtasan (Kalasag) ay naglalayong isulong at kilalanin ang pagsisikap ng mga local government units, non-government organizations, at pribadong entity sa pagpapahusay ng paghahanda at pagtugon sa sakuna sa kani-kanilang komunidad.

Sa 23rd Gawad Kalasag National Awarding Ceremony noong Disyembre 2023 ay pumasok sa Top 5 ng tatlong kategorya ang ilang munisipyo, lungsod at probinsiya ng rehiyong Mimaropa.

Nakuha ng bayan ng Gloria sa Oriental Mindoro ang Rank 1 ng Gawad Kalasag Award sa Municipal Category at Rank 3 naman ang bayan ng Narra sa Palawan.

Rank 3 din ang Capalan City sa City Category at Rank 4 ang Occidental Mindoro sa Provincial Category.

Maliban sa mga LGU category, kabilang din sa mga kategorya ng Gawad Kalasag ang Special Awards para sa (1) Civil Society Organizations (i.e. Best Civil Society Organization, Best People’s Organization, Best Volunteer Organization); (2) Mga Ospital; (3) Mga Paaralan; (4) Mga Pribadong Organisasyon; (5) Government Emergency Management and Response Teams (GEMRTs); (6) GK Special Recognitions na kinabibilangan ng Heroic Act, Special Recognition para sa mga Indibidwal at Organisasyon; at ang (7) GK Seal para sa mga Lokal na Konseho at Tanggapan ng DRRM.

Ayon pa kay Victore, patuloy ang isinasagawang pagsasanay ng OCD sa mga Local DRRM upang mas mahusay pa nilang magampanan ang kanilang mga tungkulin sa pagtugon sa mga emergency situations. (OCJ/PIA MIMAROPA-Palawan)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -