NAGPASALAMT si Education Secretary Sonny Angara kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa paglagda ng Salary Standardization VI.
Maliban sa umento sa sahod simula ngayong taon, sa taong 2025 ay may annual medical allowance na P7,000 na matatanggap ang mga kawani ng pamahalaan, kabilang ang mga nasa Kagawaran ng Edukasyon.